Para pigilan ang rice shipment; SC, naglabas ng TRO kontra Davao judge

NAGPALABAS  NG temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para pigilan ang kautusan ni Davao City Regional Trial Court Branch 16 Judge Emmanuel Carpio hinggil sa mga nasabat na kahina-hinalang smuggled na bigas.

Inihayag ni SC spokesman Atty. Theodore na partikular na pinigil ng Supreme Court (SC) ang 167 container ng smuggled rice mula sa Customs noong December 12, 2013.

Una nang iginiit ni Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na dapat na disiplinahin ng SC si Judge Emmanuel Carpio.

Noong Disyembre, si-nabi ng Customs na napilitan silang ilabas ang 167 container ng nasabat nilang bigas bilang pagsunod sa kautusan ni Judge Carpio.

Sa pagtaya ng SINAG, aabot sa 4.2 milyong kilo ng bigas ang naharang ng Customs dahil sa kawalan ng import permit.

Ayon pa sa SINAG, may pagkakataon na sinuspinde ng SC ang ilang mahistrado dahil sa utos ng mga ito na pagpapalabas ng mga property na nasabat ng Customs.

Sa halip na “no permit, no import” nagiging “no permit, no problem” na umano kapag nanatili ang desisyon ni Judge Carpio dahil kaagad na nailalabas ang mga smuggled rice.

Nabatid na ang isang Joseph Ngo ay tinutukoy sa rice shipment na hindi umano rehistradong rice importer na pumasok sa isang kasunduan sa Staraft International Trading Corporation na iniuugnay naman sa hinihinalang bigtime rice smuggler na si Davidson Bangayan alyas David Tan.

Ang nasabing TRO ay ipinalabas ng SC kasunod ng inihaing petisyon ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at BOC Commissioner John Philip Sevilla.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.