Para pagtakpan ang relasyon kay Ruffa Gutierrez: John Lloyd Cruz, ginagamit lang si Shaina Magdayao?

NAG-REACT NA AT pinabulaanan ni John Lloyd Cruz ang balitang namataan silang magkasamang nagba-bike ni Ruffa Gutierrez sa The Forth recently. Kahit pa nga may isang kaibigan din ng kolumnista at TV host na si Cristy Fermin na nakakita rin daw sa kanila, todo-deny talaga ang aktor.

Hindi raw niya alam kung paanong may gano’ng balita. At wala rin daw siyang balak alamin pa kung sino ang promoter ng ganitong usapin.

Sabi nga niya, “You know kapag inisa-isa natin ang balita kung saan nanggagaling, mauubos ang panahon natin to actually live our lives. Kasi may mga bagay tayo na pinagtutuunan ng pansin na mas may worth sa atin.”

Hangga’t maaari nga raw, ayaw niyang bigyan ng atensiyon ang mga umano’y mga tsismis-tsismis lang na nauugnay ang kanyang pangalan.

“Hindi ko na puwedeng kuwestiyunin ang mga inilalabas ng iba. Hindi mo puwedeng kuwestiyunin ang intensiyon nila kasi you’re in the business. So talagang wala ka nang magagawa kung hindi talagang asahan na may mga taong magsasalita at magpa-fabricate ng mga bagay-bagay na walang basehan.”

At kahit pa raw sabihing bahagi ng pagiging artista ang masalang sa kung anu-anong intriga, aminado si John Lloyd na naaapektuhan pa rin daw siya.

“Hindi ako taong-bato,” aniya nga. “Nakakalungkot ‘yan. Pero iyan ang reality ng mundong pinasok ko. At wala namang problema sa akin. Wala naman akong minamasama. But I’m sorry to tell you… it’s not true,” mariing paglilinaw muli niya.

“Sana ma-realize din nila na sana, tama na. Baka may pamilyang naaapektuhan. O may mga taong nag-iisip ng mga hindi dapat isipin. O may mga taong tunay na naaapektuhan sa balitang ito. Na masyado nang seryoso ang dating sa kanila.  Baka may mangyari pa in the future na hindi kanais-nais o hindi maganda.”

Nilinaw rin ni John Lloyd na hindi na raw silang gaanong nagkakausap ni Ruffa sa ngayon. Kung may communication pa man daw sa pagitan nila, hindi na gano’n kadalas. Hindi na gano’n ka-active ang friendship nila.

“Kasi nasa magkaibang istasyon na kami ngayon. Marami siyang ginagawa na kailangan ang focus niya at gano’n din naman ako.”

May reaksiyon din si John Lloyd sa balitang naaapektuhan na ang rumored girlfriend niya ngayong si Shaina Magdayao sa patuloy pa rin niyang pagkaka-link kay Ruffa. Sabi nga ng aktor, “You know what? If you try to imagine the bigger picture and the real picture of the situation, baka dapat i-consider nang tama na ito. Baka kasi mas seryosong bagay na ang puwedeng maapektuhan. Kasi may pamilya ‘yong tao.

“It’s not nice na palaging pinag-uusapan ang mga bagay na ganyan. Kasi hindi maganda ang puwedeng maging epekto niyan sa mga taong involve sa buhay namin.”

Simple lang naman ang dapat gawin ni John Lloyd para hindi na sila maintriga pang tatlo nina Shaina at Ruffa. Aminin na kasi niya.

Kung si Shaina, eh ‘di si Shaina. Eh, ‘di hindi na siya mali-link kay Ruffa.

Iniisip din kasi ng iba na puwedeng ginagawa lang niyang front si Shaina para mapagtakpan ‘yong sa kanila ni Ruffa.  Dahil baka nga naman kasi may hindi magandang maging reaksiyon o gawin ang ex-husband ng actress-TV host na si Yilmaz Bektas.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKatrina Halili, nagpatutsada kay Vicki Belo?!
Next articleInagawan ng dyowa: Maui Taylor, imbiyerna kay Lovi Poe

No posts to display