Para pag-usapan: Ara Mina, sinisira ang sarili?!

RECENTLY AY MAY natanggap na text messages ang ‘sandamakmak na mga kapatid sa panulat na ang laman e, sinisiraan si Ara Mina.

Ang sabi pa, may nakakita raw sa dating sexy star at isang showbiz guy na nag-date sa Guam kaya hayun, lumaki na ang isyu at nagpa-interview pa sa TV si Ara para ma-clarify ang balita.

Pero heto na ang twist ng istorya. May kumakalat ding balita na si Ara raw mismo ang may pakana ng kumakalat na text messages na ‘yon para siya mapag-usapan.

Kasali raw kasi siya sa isang teleserye ng GMA-7 at kailangan niyang mag-ingay after niyang matalo sa nakaraang eleksiyon and one way of drumbeating e, ang pagkalat nga ng mapanirang text messages.

Kung true man ang twist ng istoryang ‘yon e, nagtagumpay si Ara dahil in pernes sa kanya e, pinag-usapan ulit ang kanyang beauty dahil sa isyung ‘yon. Kaya ano pa nga ba ang masasabi namin sa kanya kundi congrats and welcome back sa showbiz! He-he-he!!!

LAST WEEK AY nakita namin ang dalawang prominent names from the news department ng Channel 2 na nasa HR department ng TV5 and your guess is as good as ours.

Ano pa nga ba ang puwedeng gawin ng dalawa sa HR department kundi ang mag-apply, hendehvah?

After a series of questions e, nalaman namin na malaki nga ang suweldong ino-offer sa kanila ng Singko kaya sila nandu’n. Mabagal din daw kasi ang pacing ng promotion sa Kapamilya station at hindi rin sila mabigyan ng break sa TV dahil sa tindi ng competition. Kaya ayun, they are trying their luck sa Kapatid channel.

At gaya ng inaasahan e, nabalitaan ng Channel 2 management ang pagpunta ng dalawang personalidad sa TV5 kaya hindi na rin nag-aksaya ng panahon ang Dos dahil kinausap nila nang masinsinan ang dalawa.

After a while e, nagbago na raw bigla ang isip ng dalawa. Hindi na rin daw sila ma-contact ng HR department ng Singko at mukhang satisfied na ulit ang dalawa sa news department ng Dos.

Hmm… ganu’n naman ‘yata talaga ang nangyayari ngayon sa mga network. Kung minsan, kapag nakakalimutan ka ng iyong mother station e, kailangan mong magpapansin. Kapag napansin ka e, suwerte. Pero kapag dinedma ang iyong pagpapapansin, ibig sahihin nu’n e, hindi ka ganu’n ka-importante. Whatdayathink, Rainier Castillo na nasa Singko na rin ngayon?

HETO ANG SABI ni Congressman Manny Pacquiao sa isang interview nang kinunan siya ng reaction tungkol sa bagong boyfriend ni Krista Ranillo.

“Mabuti nga ‘yon para hindi na nila masabi na kami pa rin!”

Reading between the lines e, para na rin niyang inamin na naging sila nga ni Krista noon, ‘di ba? At ngayon, dahil sa dami ng isyung naglabasan e, wala na silang dalawa, as in, hindi na sila mag-on dahil kung hindi e, ganito dapat ang kanyang sinabi.

“Goodluck sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, at least ngayon e, hindi na kami mapag-uusapan dahil hindi naman talaga kami naging mag-on,” or words to that effect sana.

Hay! Basta, walang pikunan, huh! Sports lang, you know!!!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

4 thoughts on “Para pag-usapan: Ara Mina, sinisira ang sarili?!

  1. Ang tanda na ni Ara.! Lagi naman role sa Gma kirida, para sa tunay na buhay. Ang laki ng katawan parang nanganak na..

  2. Ang tanda na ni Ara.! Lagi naman role sa Gma kirida, para sa tunay na buhay. Ang laki ng katawan parang nanganak na..

  3. on manny pacquiao:

    actually, mr. sarmiento, halos pareho ang interpretasyon natin sa mga interviews recently ni cong manny. last week, i happened to see him interviewed in TV5 about krista’s rumored boyfriend. at ang sagot ni manny don sa reporter ay:

    “masaya ako kung saan siya maligaya.”

    just read between the lines, duh!!

  4. Yan ang uso ngayon sa mga talents ng network, magpakita na meron dinadalaw sa kalaban istasyon para mapagusapan ng sa ganon ay mapansin sila ng mga boss ng kani-kanilang network.

Leave a Reply

Your email address will not be published.