Para muling umingay
Gretchen Barretto at Claudine Barretto, gimik lang ang away?!

HETO NA naman, ‘day! May away na naman daw ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, dahil daw sa pamangkin nilang si Julia Barretto.

Nagsimula na naman sa Twitter at kumalat kaya pinagpiyestahan na naman ngayon.

Wala pa namang may nagsasalita sa kanilang dalawa, dahil tahimik lang muna sila ngayon.

‘Pag lumaki pa ito, tingin n’yo ba hindi sila magsasalita?

Sinubukan ng Startalk na kontakin si Claudine pero hindi ito sumasagot.

Sinadya pa nila si Raymart Santiago sa taping ng Home Sweet Home ng GMA-7, pero ayaw ring magkomento ng aktor.

Alam n’yo naman si Raymart, tahimik lang talaga ‘yan at mas gusto niyang private lang ang kung anong merong isyu silang mag-asawa.

Kaya lang, marami ang nagdududa sa away ngayon ng magkakapatid dahil ang balita, babalik si Claudine ng ABS-CBN 2 at siyempre pinapaingay si Julia. Hindi kaya gimmick lang ‘yan?

Pero mas mabuting abangan na lang kung anong kahihinatnan ng isyung ito dahil I’m sure magsasalita si Gretchen tungkol diyan.

Basta ang masasabi ko lang, kung magkapamilya kayo na mag-aaway, huwag nang magsalita ng masasakit sa kadugo mo dahil kapag magkabati kayo, mahirap nang bawiin ang mga nasabi mo nu’ng galit ka.

Mas mabuti ngang tahimik na lang at huwag nang iparating sa publiko dahil baka magsisi ka lang kung bakit mo nasabi mo ‘yun sa kadugo mo.

Tingnan mo ‘yung kina Ara Mina at Cristine Reyes. Mababawi pa ba ni Cristine ang mga nasabi n’ya nu’n laban sa ate niya? Ang sasakit ng mga nasabi niya nu’n na nakatatak na sa isip ng mga tao na baka totoo nga ang mga ibinibintang kay Ara.

Kaya mas mabuting tahimik na lang at huwag nang paingayin ang mga away-away na ‘yan.

 

NALOKA AKO nu’ng kamakalawa ng hapon nang nalaman kong kinober pala ng Startalk ang kasal ni Mystica sa 23-year old na boyfriend niya na si Edwin Nuas.

Bongga ang Mystica, ha! Sa edad na 45, meron pang bagets na nagpakasal sa kanya.

Iyak pa raw nang iyak si Mystica nu’ng ikinasal sila, na kuwento ng mga reporter na mga nag-cover na parang natulala raw ang bata nang nagpakasal siya.

Sabi naman nu’ng Edwin na ‘yun, mas gusto raw niyang mas matured sa kanya ang babaeng pakakasalan niya, at napakabait daw sa kanya ni Mystica at napakaalaga raw sa kanya, kaya pinakasalan na niya ito.

Pero totoo bang si Mystica na raw mismo ang nag-propose na magpakasal na sila? Wala naman trabaho raw itong si Edwin dahil naging talent pala ito ni Mystica na itinira na niya sa bahay niya, kaya mabuting magpakasal na lang siya para hindi na siya gutumin, ‘no!

Suportado naman sila ng kanilang magulang at ng buong pamilya. Pero naloka ako sa sinabi raw ng nanay ni Mystica na hindi raw niya alam na magpapakasal na pala ito.

Pinaluwas lang daw siya galing probinsya at nagulat na lang daw siya na magpapakasal na pala ang anak niya.

Ang isa pang nakakalokang pahayag ni Mystica, hindi na raw kailangang magtrabaho pa nu’ng Edwin dahil siya na raw ang humahawak ng pera ni Mystica. Mas matipid daw siya kasi kapag itong si Edwin ang humahawak ng datung niya. Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Para muling umingay
Gretchen Barretto at Claudine Barretto, gimik lang ang away?!

  1. ikaw solis na mabaho huwag ka ng magsusulat ng mga kabulaanan. puro kathang isip mo lang ang mga sinusulat mo. pati si Mayor Lim sinisiraan mo pa na kaysa nilangaw ang pelikula. di ba ikaw ang nahuli ni Mayor Lim sa “Take it! Take it” scandal at scam. Dapat pinarusahan ka ng kriminal offense pero nagmakaawa ka kay Lim. Kaya tumigil ka na Gaga. Tanga . Bulaan. Mabaho ang P.k. mo!

    • TANGENGOT ANG PROSECUTOR O JUDGE NA NAG-DROP NG MFF SCAM CASE NOON. SUSME, LAHAT NA NG EBIDENSYA, PATI ANG MGA WITNESSES LIKE GRETCHEN AND NANETTE EH READY NANG MAG-TESTIFY. WALA RAW PROBABLY CAUSE. HAHAHAHA! EWAN KO BA SA JUSTICE SYSTEM NATIN!

  2. i dont believe na gawa gawa lang to ni claudine para sumikat nanahimik si claudine kung ano ano isyu ibinabato sknya patahimikin niyo na si claudine wlang ginagawang msama ang tao sa inyo. ill be a forever claudinian..

    • AY TEH, AYAN NA. NASA NEWS NA NA TULUYAN NA PALANG INIWAN NI RAYMART SI CLAUDINE. IN OTHER WORDS, JIWALAY NA SILA. 

  3. kasi laoscean deep na pareho ang dalawang ito kaya gumagawa ng gimik… lumang style na yan mga teh isip na lang ulit ng bago hehe

    • HIndi yan gimik dahil talaga lang malademonyita ang ugali ni Claudine. Btw, yung fez ni La Grets dito ay panghorror! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.