Para matimbog ang pirma sa pork barrel scam
Sen. Revilla, Kukuha ng Handwriting Expert

HIHINGI NG tulong sa mga eksperto si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. upang malaman kung sino ang nasa likod ng maanomal-yang pork barrel scam.

Ayon kay Atty. Joel Bogedon, counsel ni Revilla, kukuha ng handwriting expert ang mambabatas upang maberikipika ang mga nakapirma sa mga dokumento ni Janet Lim Napoles.

Nakahanda naman u-manong sumailalim sa “impartial investigation” si Revilla hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.

Una rito, sinabi ng senador na mainam magsagawa ng pagsisiyasat upang malinis nito ang kanyang pangalan sa isyu maliban pa sa layunin na maitama ang umiiral na sistema.

Sinabi naman ni Senate President Frank Drilon na welcome ding dumalo ang mga nasangkot sa scam na mambabatas kabilang na ang kanilang kasamahan sa Senado.

Inihayag din nito na kanilang pag-aaralan sa gagawing pagsisiyasat  ng Senado ang pagdagdag ng guidelines para mahigpitan ang pagpapalabas ng “soft pork barrel” o ang mga ginagastos sa mga financial assistance.

Aniya, ang soft pork barrel ay ang kadalasan na nabubulsa o nakukurakot dahil mahirap itong i-audit kagaya na lang ng mga ginagamit sa pagbili ng gamot at fertilizer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.