Para matigil na ang pagkaka-link kay James Yap Isabel Oli, inamin nang BF si Gab Valenciano!

ILANG BUWAN DING pinagtiisan ni Isabel Oli ang siya ay maintriga bilang babaeng sinunga-ling. Iyon ay sa dahilang paulit-ulit at walang katapusan niyang itinatatwa ang pagkaka-link niya kay James Yap. Wala naman kasi siyang boyfriend noon, kaya talagang naiilang na raw siya kung bakit palagi na lang sa tuwing iniinterbyu siya ay ang tungkol sa ex-husband ni Kris Aquino ang itinatanong sa kanya. Magkaibigan lang daw talaga sila, kaya wala nga siyang masabi.

Nagsawa na raw si Isabel sa kapapaliwanag na matagal na silang magkakilala ni James, dahil pareho nga silang Bisaya.  Natuwa na lang ang magandang aktres, dahil marami raw nagsasabi sa kanya na napapanahon ang pag-amin nila ni Gab Valenciano tungkol sa kanilang relasyon. “Parang okey nga. Kasi ngayon, hindi na sila magtatanong tungkol kay James.  Wala na akong ipapaliwanag, dahil mayroon na akong pruweba, na iba ang boyfriend ko,” wika ni Isabel.

Pumirma na ng kontrata si Isabel sa Viva Films para i-manage ang kanyang movie career. Tingnan na lang natin kung aabante na ng todo ang kanyang kasikatan. Nakakalungkot kasi, na sa tuwing magkakaroon siya ng bonggang project sa GMA-7 ay laging nagkakataon na hindi siya pupuwede, dahil mayroong karamdaman ang kanyang ama. Napakabait kasi niyang anak. Parang hindi raw niya kayang iwan ang kanyang daddy sa mga panahon na may karamdaman.

 

PAGKATAPOS NG MGA bagyong pinagdaanan ng relasyon nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ay marami na rin ang sumasang-ayon at natutuwa na sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan. Nu’ng mga unang taon kasi na ipinapakilala na ni Belo si Hayden sa kanyang mga kaibigan at kliyente sa showbiz, pinagtataasan ng kilay ang sinseridad ng matangkad na binata sa sikat na doktora. Unang iniintriga ay ang agwat ng kanilang edad, lalo pa’t napakaguwapo ni Kho.

Lalong nasubok ang hangganan ng pagmamahal ni Hayden kay Dra. Vicki nu’ng mawindang ang kanilang relasyon dahil sa pagputok ng video scandal ng dating doktor at ni Katrina Halili. Kahit nagkaroon sila ng distansiya, marami ang nalungkot para kay Belo, dahil halata talaga na nahihirapan siya sa pansamantala nilang paghihiwalay. Pero napakadakila talaga ni Belo, dahil kahit nakagawa ng pagkakamali si Hayden, hindi pa rin niya natiis ang karelasyon. Alam na alam ni Hayden sa kanyang sarili, na mahihirapan na siyang makatagpo pa ng ibang babae na makahihigit pa kung papaano magmahal ang doktora.

Napaka-visible ngayon ni Hayden sa showbiz. Ipinararamdam niya sa mga tao, na kung anuman ang nagawa niyang kasalanan sa nakalipas, pinagsisisihan na niya iyon. In fairness sa kanya, hindi naman siya nababastos ng mga tao sa kanyang pakikihalubilo ngayon. Napapalapit siya sa mga tao, dahil inilalapit niya talaga ang kanyang sarili. Kabaligtaran ni Katrina, na laging malungkot at para bang ang bigat-bigat ng kanyang dinadala sa tuwing haharap siya sa press.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Vina Morales. Love na love ko ang sister ni Shaina Magdayao, dahil nu’ng baguhan pa ako sa pagsusulat ay siya ang una kong nainterbyu. Sa Broadway Centrum TV Complex nangyari ang tsikahan, dahil miyembro siya noon ng Thursday Group ng That’s Entertainment, at sa nasabing studio kami tumatambay para mang-ambush interview. Sikat na noon si Vina, at masayang karanasan para sa akin ang unang sabak ko sa pag-iinterbyu. Melch ang tawag niya sa akin. Mabait siya, kaya nu’ng time na ‘yon ay napalapit din kami sa mother niya na si Mommy Dianne Magdayao. Hindi na kami madalas magkita ni Vina. Pero kapag nagkakasalubong kami sa ABS-CBN Compound, wala pa rin siyang ipinagbabago sa ugali. Malambing pa rin.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Para matigil na ang pagkaka-link kay James Yap Isabel Oli, inamin nang BF si Gab Valenciano!

  1. Ayun nagsawa rin sa etits ni james yap itong isabel oli na ito.mbuti na lang at di ka nahawaan ng gonorea TULO kris nagkasakit niyan hehehe.masarap cguro ksi mlaki etits hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.