Para matigil din ang pagtira sa kanya
Deniece Cornejo, dapat manahimik na lang

Deniece-CornejoMAY INTERVIEW pala kami sa Startalk sa lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo.

Ito ‘yung nagreklamo siya sa MTRCB dahil sa pinaglalaruan daw ang apo niya sa mga programa sa ABS-CBN 2.

Lalo na ‘yung sa It’s Showtime na laging pinaglalaruan ito ni Vice Ganda na parang ginagaya ang pagsasalita ni Deniece na kumukumpas kumpas na ginawa niya sa Startalk.

Binigyang pansin naman ito ng MTRCB, dahil pinadalhan nila ng memo ang mga programang nireklamo ni Lola Florencia.

Siguro kinuha lang ang atensyon nila, kaya hindi na nila gagawin iyun.

Ang mangyayari lang naman ‘nyan, hindi na nila gagawin uli.

Ewan ko lang  kung ipatatawag pa sila. Ang sabi naman ni Atty. Toto Villareal, bibigyan nila ito ng aksyon ng naaayon sa kanilang hurisdiksyon.

In fairness naman sa MTRCB, talagang ginagawa nila ang dapat na gawin basta naayon lang sa rules and regulations nila.

Nag-react nga ang abugado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga tungkol dito dahil bakit daw sila nagrereklamo, eh, sina Deniece naman daw at ang grupo nito ang unang naglabas ng kung anu-anong kuwento na hindi naman sila pinaniniwalaan ng mga tao.

Kaya tuloy tinutuya sila at pinaglalaruan sa TV, lalo na sa social media.

Sabi nga ni Atty. Mallonga tungkol sa reklamo ni Deniece, “Kung tinutuya siya, at hindi siya pinaniniwalaan, sino ang ibi-blame  mo dun? Sino ang pagbintangan mo? Hindi ba ang pagbintangan mo, ‘yung kelan, kung kanino nanggaling ‘yung hindi kapani-paniwalang nagkuwento?

“Kung hindi siya nagkuwento at nag-iiyak sa TV. Sino ba ang nagsasabi ng kuwento na ganun, kaya sila tinutuya at walang naniniwala sa kanila?”

Sana nga manahimik na lang talaga sila, dahil kapag nagsasalita sila, lalo silang napapahamak.

Ang alam ko panay pa rin ang post ni Deniece ng kung anu-ano sa Instagram account niya at lalo pang dumarami ang tumitira sa kanya, dahil hindi naman pinaniniwalaan ang mga sinasabi niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Para matigil din ang pagtira sa kanya
Deniece Cornejo, dapat manahimik na lang

  1. Nag-iingay lang ang mga yan para sumikat dahil gustong mag-artista. Eh kaso, walang interesado sa kanila. hehehe!

    • Paano sya matatahimik e yong 1 mil.o 2mi. ba yon,di natuloy eh di tuloy natuloy ang Singapore trip nila ni cedric gangstah.bwahahahahaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.