Para matapos na ang live-in issue Vaness del Moral, lalayo na kay Biboy Ramirez!


VERY HONEST ANG maga-ling na host/ actor/ director na si Zoren Legaspi, isa sa cast ng inaabangang primetime soap ng TV5 na Glamorosa, na masarap daw mag-alaga ang Kapatid Network sa kanilang mga artista.

Tsika nga ni Zoren, sa mga TV network na pinagtrabahuhan niya, ang TV5 daw ang inaalam kung kaya pa ba ng isang artista na magtrabaho o pagod na pagod na ito, dahil kung pagod na raw ang artista, hindi na nila pinipilit pa.

Kahit nga ang actor na si Tonton Gutierrez na kasama rin sa said soap ay nagsabi na actor-friendly ang TV5 among TV networks. Pero happy raw ang both actors dahil nakakapagtrabaho sila sa iba’t ibang networks kahit na ba talamak ang banggaan ng mga ito na ayaw magpahiram ng kani-kaniyang malalaking artista.

At least daw sila, nagagawang magpalipat-lipat ng TV networks kapag wala silang tanggap na trabaho sa iba. Basta ang mahalaga naman daw sa kanila ay may trabaho sila at hindi nababakante.

 

NAGDESISYON NA RAW ang GMAAC star at isa sa cast ng Kokak na si Vaness Del Moral na lilipat na lang siya ng bahay para mamatay na ang issue na nagli-live in sila ng kanyang boyfriend na si Biboy Ramirez, kung saan magkapitbahay silang dalawa.

Tsika nga ni Vaness, nagbabalak na raw siyang bumili ng bahay at lupa para naman may makita siya sa kanyang pinaghihirapan. Pero hindi raw part iyon ng

paghahanda if ever na nagdesisyon na sila ni Biboy na magpakasal.

If ever daw na ganu’n ang mangyayari, pabiro nitong sinabi na dapat na bayaran ni Biboy ang kalahati ng kabuuang binayad niya sa bahay at lupa. Sa ngayon daw, may tinitingnan na bahay at lupa sa isang subdivision bandang Quezon City si Vaness. Pero ayaw pa nitong sabihin kung saan, mas gusto raw nitong ayos na ang lahat bago niya i-anounce ang kanyang bagong bahay na malayung-malayo sa lugar ni Biboy nang matigil na ang tsismis na nagsasama na sila sa iisang bubong. ‘Yun na!

 

NAIYAK ANG STAR ng newest afternoon soap ng GMA-7, ang Kokak, na si Sarah Lahbati, nang isa sa kapatid sa panulat ang nagsabi na siya ang next important star ng GMA-7 sunod kay Marian Rivera after mapanood ang teaser ng Kokak, dahil na rin sa magandang pagganap ni Sarah.

‘Di nga raw naiwasang maluha ni Sarah sa sobrang saya dahil hindi nito ini-expect na magugustuhan ng mga invited press ang teaser ng Kokak. Hindi na nga lang daw pinahalata ng young star ang pagluha sa kanyang mga co-stars at tumagilid na lang at sabay punas ng mata na animo’y napuwing lang.

Ito raw ang magiging inspirasyon ni Sarah para mas pag-husayan ang kanyang trabaho. Sana raw ay magustuhan at suportahan ng mga manonood ang kanyang kauna-unahang pagbibida sa telebisyon .

 

VERY TALENTED AND pretty ang newest recording artist ng controversial manager na si Lito De Guzman via his LDG Production na si Raia Quiroz na may all OPM Pop Songs sa kanyang self-title album, ang “Raia Quiroz , Tara Na”.

Eight tracks ang nilalaman ng album ni Raia mula sa mga awiting sinulat nina Blanktape at Boy Christopher na ‘Tara Na’, ang kanyang carrier single, ‘Baby Sorry Na’, ‘Hay Naku!’, ‘Mini-Mini Maynimo’, ‘Muntik Na’, ‘Para Kang Cellphone’, ‘Pangarap’, at  ‘Ikaw Lang’.

Look-alike ni Raia si Jolina Magdangal at hindi nga raw problema kay Raia kung kamukha niya si Jolens dahil magaling na singer/host at artista at sikat naman daw si Jolens na isa rin sa iniidolo niyang mang-aawit.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.