Para matahimik na raw ang ex-wife: Robin Padilla , ibalik na ang anak na si Alih

PARANG HINDI NA makapaghintay si Liezel Sicangco na matapos ang Ramadan, dahil apektado na raw ito sa mga nababasa niya sa internet na mga komento laban sa kanya.

Ang ikinasasama raw niya ng loob ay ang pinagmumukha siyang pera dahil hindi naman daw totoo ‘yun.

Gusto raw sana n’yang sundin ang pakiusap ni Robin na ayusin ito pagkatapos ng Ramadan, pero mukhang hindi na ito mahintay ni Leizel dahil nasasaktan na raw siya sa mga sinasabi ng iba na pera lang ang habol nito sa aktor.

Nabigyan na raw ito ng tatlong bahay sa Australia, binilhan din daw ito ni Robin ng lupa sa Pampanga worth P2 million, at may US$2,500 daw ito na monthly sustento para sa anak nilang si Zhen Zhen na nag-aaral sa Australia.

Nag-iiyak si Liezel na tumawag sa isang reporter namin sa Startalk para idepensa ang sarili niya. Sabi nito, for 20 years daw na pagsasama nila ni Robin, nanatiling tahimik daw siya at wala raw siyang ginagawa ‘pag nagkakaproblema sila.

Kaya nagsalita ito sa mga nagtatanggol kay Robin na huwag silang magsalita ng mga bagay na hindi nila alam at baka makasira lang daw ito kay Robin.

Ang ginawa ni Liezel, nag-e-mail ito sa Startalk ng mga papeles na nagpapatunay kung ano ang mga ibinigay sa kanya ni Robin. Aminado naman siyang hindi raw nagpapabaya si Robin pero foul naman daw ‘yung pagbintangan siyang kaya nag-iingay ay dahil naghahabol ng pera.

Ang concern lang naman daw ni Liezel ay ang bunsong anak nilang si Alih dahil napababayaan naman daw ito ni Robin dito at hindi nakapag-aaral nang mabuti kaya sa kanya na lang daw ito.

May nagkukuwentong madalas nga si Alih na sumasama kay Robin sa studio ng Pilipinas Win Na Win, kaya paano nga ito makapag-aaral nang mabuti?

Kaya kung ako rin naman, mas mabuting ibalik na ni Robin si Alih kay Liezel para matahimik na sila.

Ang isa pang ikina-react nang husto ni Leizel ay kaya raw nag-iingay ito dahil sa ibinigay raw ni Robin kay Mariel Rodriguez na singsing worth P1.2 million!

Sabi ni Liezel, nabigyan naman daw siya ni Robin ng singsing, pero worth P85,000 daw ‘yun na binili sa isang kamag-anak nila, at hindi naman daw nag-propose si Robin sa kanya nu’ng ibinigay ang singsing na ‘yun. Pero nilinaw nitong wala siyang pakialam sa panunuyo ni Robin kay Mariel, dahil sobrang nakapag-move on na raw sila at meron na nga siyang asawa. Ang habol lang daw niya ay ang kanyang anak at mananahimik na raw sila kapag nasa kanya na si Alih.

‘Yung mga ebidensiyang sinasabi ni Leizel na pinadala niya sa Startalk, siguro abangan n’yo na lang iyan. Pero kailangang makunan din ng reaksiyon dito si Robin na nasa India pa yata kasama si Mariel.

DUMATING NA SI Richard Gutierrez galing Thailand na halos isang buwang nag-taping ng Survivor Philippines at kitang-kita ang sobrang kasabikan nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez nang sinalubong nila ito sa airport.

Ang sabi ni Richard, gusto niya munang makasama ang pamilya niya pagdating nito dahil marami raw silang pag-uusapan. Pero hindi naman siya makapagpapahinga muna dahil kailangan naman niyang ituloy ang promo ng In Your Eyes na nag-showing na nu’ng Miyerkules.

Malakas daw ang first day earnings nito kaya dapat ituluy-tuloy nila ang promo para ma-maintain ang lakas, ‘di ba?

Sa Linggo, nasa Davao sila kasama si Claudine Baretto para roon naman sila mag-promote ng kanilang pelikula.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Para matahimik na raw ang ex-wife: Robin Padilla , ibalik na ang anak na si Alih

  1. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=604980&publicationSubCategoryId=96
    Linggit Tan statement :
    “Isang patunay na hindi pa siya nagbabago ay ang pagbibigay niya ng mga kondisyon sa kanyang pagbabalik. Pinapatanggal po niya sina Mariel Rodriguez at Pokwang sa programa at dapat din daw siyang suwelduhan habang siya ay suspendido. Kaya’t marami pa kaming dapat pag-usapan at ayusin. Naniniwala ang management ng ABS-CBN na dapat isabuhay muna ni Willie ang pinahahalagahang values at work ethics ng kompanya bago siya bumalik sa telebisyon. At bukod pala sa pagpapatsugi sa mga babaeng co-hosts kasama sa mga demands ng controversial na TV host ang mga sumusunod:Return of DJ Coki and Ana Feliciano to Wowowee, Change of program from Wowowee to Wowowin, Inclusion of Pinoy Big Brother winner Melai as host of the show, Special ID cards for staff of Wowowee,Special vehicle access privilege for the TV host in restricted areas within the ABS-CBN compound.,AT IBA PA…WOW NAMAN, KAPAL MO PUPPIE, DAMI MONG DEMAND MABALIK KA LANG, SIGURO SIRA ULO NG NGA TAONG TO.

  2. UNRELATED : DENGUE ALERTS

    MAGTANIM NG SALAY (LEMON GRASS) SA PALIGID NG BAHAY O SA POTS. BAKIT? DAHIL PO ANG NUMBER ONE INSECT REPLELLANT AY CITRONELLA OIL NA GALING SA LEMON GRASS. LEMON BASIL MABISA DIN. TAKOT AT UMIIWAS MGA LAMOK SA 2 HALAMAN NA ITO.

  3. GRABE SI LIZEL KINALKAL NA NYA LAHAT NG KALAMNAN NILA NI BINOE! KUNG UNG BATA LANG ANG PROBLEMA NYA..WHY NOT FLY BACK TO PNAS AND GET A ONE ON ONE TALK TO ROBIN…WAG UNG DINADAAN PA NYA SA MEDIA MEDIA AT BINUKATKAT NYA LAHAT NG KALAMANNAN NILA NG DATI NYANG ASAWA!BUTI SANA KUNG MASAMANG TAO SI ROBIN KASO HINDI NMAN..

    I JUST DNT KNOW WHAT SHE REALLY WANT TO CREATE..DAKDAK SYA NG DAKDAK SA MEDIA D NYA ALAM NA HINDI LNG SI ROBIN ANG MAPAPASAMA KUNDI UNG MGA ANAK NYA LALO NA UNG DALAWANG NAGSISIMULANG GUMAWA NG PANAGALAN NILA..DAHIL SYA ANG INA NILA..EHY NOT MANAHIMIK NA SYA AT BUMALIK NG PNAS AT PAG USAPAN NILA NI BINOE NG MAAYOS.ANG DAMI NYANG SINASABI..

    WALA MAN LNG SYANG KONSIDERASYON KAY ROBIN..MASAYA UNG TAO TAPOS BIGLA SYANG NAG INGAY…D MAN LNG BINIGYAN NG RESPETO UNG TAO..EH SYA NGA PINABAYAAN NI BINOE AT HANGGANG NGAUN TODO SUPURTA SA MGA ANAK TAPOS GANYAN PA SYA.

    ANG LOGIC KO LNG KUNG BAKIT NYA GNAGAWA ITO AY DAHIL SA PERA! ANO PA NGA BA! NUNG LUMABAS SI ROBIN ON TV GIVING 1.2 MILLON RING DON NA SYA NAG INGAY..NAKITA KASI NYA NA SERYOSO SI ROBIN KAY MARIEL AT ONCE NA MAKASAL UNG DALAWA MABABWASAN NA ANG SUPURTA NG ANAK NYA O KAYA NATATAKOT SYA NA BAKA LIMITED N LNG MBGAY NI ROBIN SA MGA ANAK NYA..AND SHE`S CLAIMING FOR ALIH..KAYA NYA KINUKUHA SI ALIH KASI 16 YRS OLD NA SI ZHEN ZHEN NA NASA KANYA..MEANS MALAPIT NA MATAPOS UNG SUSTENTO NG BATA SO KAILANGAN NYANG KUNIN SI ALIH NA 10 YRS OLDPARATULOY TULOY PA RIN ANG SUSTENTO NYA KAHIT MAWALA UNG KAY ZENZEN..SI QUEENIE AND KYLIE KASI MALALKI NA KAYA D NA SAKOP NG SUSTENTO..PAG KASI ABROAD KA NANDON SA BATAS NILA NA GANON..PERO KAHIT NMAN ALAGA NAMAN NI ROBIN SINA KYLIE AT QUEENIE NA NANDITO SA PNAS.

    ETO LNG SI LIZEL ANG SUBRANG DALDAL!PINAPASAMA NYA SI ROBIN ATPOS SABAY KAMBYO NYA NA OK NMAN KAMI NI ROBIN WALA NMAN PROBLEMA PERO DINDALDAL NMAN NYA NG KUNG ANO ANO..WALA MAN LNG KONSIDERASYON NA UNG TAO NA DINADALDAL NYA EH ARTISTA.AT MAPAPASAMA SO PAG NAWALAN NG CAREER UNG AMA NG MGA ANAK NYA D MAWAWALAN DIN SUPPORTA NG MGA ANAK NYA…D KASI SYA NAG IISIP1

Leave a Reply

Your email address will not be published.