Para mas madaling makalimot
Zsa Zsa Padilla, mas piniling magbakasyon kaysa mag-Undas

GINAGAWAN NG isyu ang pangi-ngibang-bansa ni Zsa-Zsa Padilla nu’ng nakaraang Undas kung saan lumipad ito patungong Hong Kong kasama sina Kris Aquino, ang pamilya nito, at sumunud ang anak na si Karylle.

Para sa iba, mas maganda raw kung dito nag-Todo Los Santos ang Divine Diva lalo’t ito ang kauna-unahang taon at Undas na wala na ang Comedy King.

Pumunta na ng Heritage Memorial si Zsa Zsa noon pang October 30. At nu’ng November 1, ang mga anak na sina Zia at Nicole naman ang dumalaw sa puntod ng ama. Sila ang naagdala ng bulaklak na pinasadya naman ng singer sa isang florist at ginanyak sa puntod ng Comedy King.

Naiintindihan naman namin ang desisyon ni Zsa Zsa na maglibang-libang at bumuo ng mga masasayang alaala, dahil masakit pa talaga sa kanya ang pagkawala ni Tito Dolphy. Kinumpirma nga mismo ni Zsa Zsa na hindi sila maglalagay ng Christmas decors sa bahay, at sa Pasko ay lilipad sila ng ibang bansa ng mga anak para makaiwas na rin na mas malungkot pa, lalo’t ang Pasko ang isa sa pinakamasayang okasyon na sineselebra sa bahay ng mga Quizon.

 

MARAMI ANG nagre-react sa rebelasyon ni Jaclyn Jose sa nakaraang victory party ng A Secret Affair, na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nila at ng Pamilya Ejercito. Ito ay dahil sa nababalitang espesyal na relasyon na namamagitan ngayon kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, kung saan balitang tinututulan ito ng mga magulang ng huli at tinawag pa raw na tagasalo si Jake, dahil nga sa pagi-ging isa nitong dalagang ina.

Para sa iba, hindi rin kumbensyunal ang Pamilya Ejercito, kung saan bukas namang aklat na marami ang magkakapatid at iba-iba ang kanilang mga ina. Kung kaya’t kung mayroon man daw na dapat makaintindi sa kalagayan ni Andi at hindi ito dapat husgahan, ito ay mas higit na sila.

Naikuwento ni Jaclyn na malaki ang nabago sa dating magandang relasyon nila sa mga Ejercito ngayon, kung saan dati ay imbitado sila sa selebrasyon ng pamilya tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ngayon, ‘di na sila imbitado kung saan nalulungkot ang aktres dahil matalik na kaibigan ng kapatid niyang si Veronica Jones si Laarni Enriquez. Para sa kanya, malalaki na ang dalawa, dapat nandu’n pa rin ang respeto sa mga nakatatanda sa kanila. Pero sana ay hayaan na ang mga ito dahil nagmamahalan.

Ayon sa aktres, napakabait na bata ni Jake at napakamapagkumbaba. Nang tanungin namin kung naapektuhan ba ang dalawa sa sitwasyong kinahaharap ng mga ito, sinagot kami ni Jaclyn na hindi naman niya nakikitang naaapektuhan ang dalawa.

Masaya dahil bukod sa tumatabo nang malaki sa takilya ang A Secret Affair at bukambibig ang mga linya niya sa nasabing pelikula bilang ina ni Anne Curtis, itinuturing din Jaclyn na launching movie ito ni Andi sa pagiging isang tunay na aktres. Lumutang kasi si Andi sa nasabing pelikula, kung saan nabigyan nito ng hutisya ang papel na ginampanan bilang isang babae na gagawin ang lahat para sa pagmamahal ng lalaking minamahal. Ito ang role na tinanggihan ni KC dahil sobrang daring at sexy.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Para mas madaling makalimot
Zsa Zsa Padilla, mas piniling magbakasyon kaysa mag-Undas

Leave a Reply

Your email address will not be published.