Para mapag-usapan ang loveteam
Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, natuto nang gumimik!

MUKHANG NATURUAN sina Elmo Magalona and Julie Anne San Jose na gumimik.

Kasi naman, very much on pa rin sina Elmo at Lauren Young, pero nakita ang dalawa habang magkasama sa isang restaurant sa Eastwood Mall resto. Elmo and Julie Anne went to watch a movie Dark Knight sa Eastwood Cinema.

Obviously, it is just a ploy to please their fans who want to see them together at para na rin mapag-usapan ang kanilang love team dahil may ginagawa silang pelikula.

As it is kasi, marami silang fans na umaasa na sila ay magi-ging magdyowa.

But Elmo is very much in love with Lauren Young and they were inseparable.

And to make their relationship stronger, aba, nilayasan na raw ni Lauren ang Star Magic at lilipat na ito sa GMA-7.

Ang mas nakakaloka, ang madir ni Elmo na si Pia Magalona na raw ang magma-manage ngayon sa career ni Lauren.

Kung true itetch, eh ‘di lalong hindi sila maghihiwalay ni Elmo.

 

HINDI NAMIN napanood ang Sarah G Live last, last week pero may nakapagsabi sa amin na nakunan daw ng camera ang pagsimangot ni Mommy Divine sa sweet moments nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Say ng aming friend ay sight na sight raw na nakasimangot ang madir ni Sarah nang mag-pan sa kanya ang camera while her daughter was with Gerald.

While Sarah was kilig na kilig, Mommy Divine was seemingly pissed off sa presence pa lang ni Gerald. Talaga raw hindi maipinta ang mukha ng madir ni Sarah sa nakita niyang ka-sweet-an ng dalawa.

Aware kaya si Mommy Divine na nakunan siya ng reaction shot at nakasimangot pa man din siya?

 

ISA SI Coco Martin sa highest-paid celebrities nowadays.

His popularity has translated to big income and we heard that he now commands a talent fee that is only given to superstars.

Tama ba ang narinig naming tumataginting na P300,000 per song na pala ang asking price ng manager ni Coco for out of town shows?

We were told that an event with Coco around is a big hit dahil talaga namang pinagtitilian siya ng mga fans. He is always mobbed nga raw kapag nasa isang event. He is that hot.

 

WE WERE able to attend the birthday of Tammy Candelaria, a seasoned make-over artist.

It was a celebration like no other as it was replete with fun activities.

For the first time, we experienced harana. Tammy was serenaded by his friends na member ng church choir sa Peñafrancia sa Pandacan. Active na active kasi si Tita Tammy sa kanilang church.

Nagkaroon kasi ng asalto sa birthday ni Tita Tammy. All the guests were also asked to give testimonies about Tita Tammy and we were impressed with the kind words that each of his guest said. Tammy was described as soft-spoken, hindi marunong magalit, kind and very generous. Tears cascaded when his sister, Milagros, took the floor and said something about him.

You were probably wondering what’s the essence of Tammy Candelaria in showbiz. Well, it was he who trained make-up guru Fanny Serrano. He made Fanny the great make-up artist that he is today. Sa kanya nagsimula si Fanny.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

11 thoughts on “Para mapag-usapan ang loveteam
Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, natuto nang gumimik!

  1. malaki bunganga maxado ni julie, sikat daw sabi???? wala naman commercial!! piagkagastusan ng gma eh di nga kilala maxado d2 sa amin..haaayyy wawa nman.

  2. mas matalino na ang fans now a days….they shold know that. D dahil mgakaloveteam cla eh kailangan maging cla na…ung mg successful loveteams ngayun, d nman usually magka on.