Para makuha ang suweldo at benepisyo Sendong victim, pinadedeklarang dedo na ng mister

MAKARAAN ANG apat na buwang pagkawala at napabilang na biktima ng bagyong Sendong noong December 2011 sa Cagayan de Oro, naghain ng petisyon sa family court ang isang mister para ideklarang patay na ang kanyang misis na isang kawani ng  pamahalaan.

Ang petisyon ni Rex Aldo Catajoy sa Family Court ng Cagayan de Oro ay kauna-unahang kaso na naisampa sa bansa, ayon sa kanyang abogado na si Danilo Quilisado.

Paliwanag ni Quilisado, bagaman kakaiba ang hiling ng kanyang kliyente na si Catajoy, praktikal naman ito upang makuha na ng pamilya ng biktimang si Thelma ang natitirang suweldo nito sa Philipine Post Office at iba pang benepisyo gaya ng mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

“There has never been a case like this filed before in any of our courts but I believe it will be successful because his wife’s employer will not release her accrued salary, including the Government Service Insurance System (GSIS), because they required death certificate,” ayon sa abogado.

Sinasabing hindi mai-release ang suweldo ni Thelma dahil nakasaad lamang sa Civil Registrar na “missing” lamang si Thelma.

Huling nakita si Mrs. Catajoy  noong December 16, 2011 nang tumama ang bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at kalapit bayan.

Sinasabing tinamaan ng troso at inanod  ng baha si Thelma malapit sa tahanan nila sa Acacia Street sa Barangay Carmen.

Ang mag-asawang Catajoy ay kapwa nagtatrabaho sa Post Office sa bayan ng Opol sa Misamis Oriental, si Thelma ang Post Master habang si Rex ay kartero o mailman. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.