Para makalikom ng pondo para sa Yolanda survivors, INC members, dumagsa sa Maynila

LIBO-LIBONG KASAPI ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dumagsa sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Saabdo para makalikom ng pondo na siyang ipantutulong sa mga nabiktima ni bagyong Yolanda.

Base sa ulat ng Agence-France Presse, nakasaad na bumili ng t-shirt na nagkakahalaga ng P250 ang bawat isang kasapi na dumalo sa charity event.

Ang nasabing pondo mula rito ang inaasahang ibibigay sa mga sinalanta ng supertyphoon.

Gayunman, layunin din ng INC na masungkit ang dalawang Guiness World Record: ang largest charity walk na ginawa sa isang lugar; at ang pinakamaraming lumahok sa isang charity walk sa buong mundo.

Sa pinakahuling pagtataya ng Manila Police District alas-2:20 ng hapon, tinatayang nasa 96,000 ang dumagsa sa Maynila sa nasabing walk-for-a-cause.

Kasalukuyan namang hawak ng bansang Singapore ang world record na may 175,509 participants sa ginanap na New Paper Big Walk noong 2007.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang pormal na anunsyo ng Guinness kung na-break nga ang mga nasabing world record.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.