Para makalaya ang anak Ina ng Tulak, Nanuhol sa 2 Pulis, Arestado

INARESTO NG mga awtoridad ang isang 63-anyos na ginang makaraang suhulan umano nito ng malaking halaga ng pera ang dalawang pulis na uma-resto sa anak ng suspek hinggil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si Edna Morales, biyuda, meat vendor at nakatira sa # 36 Panday Pira St., Brgy. 144 ng nabanggit na lungsod.

Sina PO3 Jerome Pacual, 30; at PO3 Ferdinand Modina, nasa hustong gulang, parehong nakatalaga sa Station Anti Illegal Drug-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Caloocan City ang tinangkang umanong suhulan ng nasabing suspek.

Ayon kay Chief Insp. Rodrigo Soriano, hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) ng Caloocan PNP, dakong alas 11:00 ng gabi ng biglang dumating si Morales sa tanggapan ng SAID-SOTG at nadatnan ng una ang dalawang nasabing pulis na gu-maganap ng kanilang tungkulin.

Bilang ina ni Christopher Morales na nakakulong sa nasabing tanggapan hinggil sa paglabag sa Sec. 5, Art. 2 ng  RA 91650 ay hayagang umanong sinusuhulan ng nasabing ginang ng halagang P100,000 sina PO3 Pascual at PO2 Modina kapalit ng madaliang kalayaan ng kanyang anak.

Sa puntong ito ay agad na inaresto ng mga nabanggit na pulis ang suspek at kinumpiska ang nasabing halaga ng pera kung saan ay kaagad na dinala ito sa tanggapan ng SIDMB para sa kaukulang disposisyon.

Ang matandang Morales ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Artcle 212 ng Revised Penal Code (Corruption of Public Officials) sa Caloocan City Presecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.