Para Maiwasan ang Vetoed Bills: Cabinet Officials, Oobligahing Dumalo sa mga Pulong ng Kongreso

SINABIHAN NI House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang mga opisyal ng gabinete na personal na dumalo at huwag nang magpadala ng mga underlings sa pagdinig ng Kamara sa mga panukalang batas.

Layon aniya nitong maiwasan ang pag-veto ni Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa mga panukalang inaaprubahan kasama ang Senado.

Aminado ang House Speaker na maging siya ay dismayado sa maraming aprubadong panukala na ibinasura ni Pangulong Aquino na umabot na sa 71.

Naiintindihan naman aniya ang Pangulo dahil open-ended ang mga panukala pagdating sa pagkukunan ng pondo sa implementasyon, pero kailangan na ng mahigpit na koordinasyon ng lehislatura at ehekutibo.

Mainam na maging bukas ang gabinete sa paglalabas ng posisyon sa mga panukala para tuluyan itong mapagtibay ng Pangulo, dagdag pa ni Belmonte.

Sa kabilang dako, may isang sesyon pa ang mga kongresista para maihabol ang iba pang batas bago magtapos ang 15th Congress.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.