Para mailayo sa kalaguyo Misis, itinago ni mister sa hukay

 

UPANG LITUHIN ang awtoridad at kalaguyo ng kanyang misis, pinatay sa sakal ng mister ang kanyang misis saka ibinaon ang bangkay nito sa likuran ng kanilang bahay sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktimang si Liezel Anyujan, 41-anyos, residente ng Brgy. Udiongan, Gingoog City bunsod ng pagsakal sa kanya ng asawang si William kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sr. Insp. Odelon Oclarit, hepe ng Gingoog City Police Office, napatay ni William ang biktima dahil sa pagkakaroon nito ng ibang lalaking karelasyon na nakilala namang si Alvin Bagulbol na umano’y isang negosyante sa nasabing lugar.

Agad namang naaresto ang suspek at sinabi nitong hindi siya nagsisisi sa nagawa dahil sa tinding sakit at kahihiyan na ginawa sa kanya ng misis.

Aniya, hindi niya napigilan ang sarili dahil narinig nito ang pag-uusap ng kanyang asawa at ng lalaki na pupunta sila sa ibang lugar na walang makakakilala sa kanila.

Nauna na umano niyang naabisuhan ang suspek na huwag nang guluhin ang kanyang asawa, subalit sinagot siya nito na napamahal na ito sa biktima.

Natagpuan umano ang bangkay ng ginang na inilibing sa likod ng kanilang bahay.

Kasong parricide ang nakatakdang kaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa Gingoog City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.