Para mahuli ang pyramiding scam syndicate NBI, Humingi na ng Tulong sa Interpol

HUMINGI NA nang tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization (Interpol) at sa Malaysian Embassy upang mahuli ang lider sa isyu ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Hinihinalang nagpunta ang lider ng sindikato ng P12 bilyong pyramiding scam sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Ayon kay NBI Director Noni Rojas sa pulong nila sa Department of Justice (DOJ), nagbigay na sila ng notice sa Interpol at Malaysian Embassy kung saan naglalaman ito ng impormasyon ukol sa reklamo kay Manuel Amalilio, chief executive order ng Aman Futures.

Bagama’t walang extradition treaty o mutual legal assistance treaty sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, kapag napag-alamanan na nasa Malaysia si Amalilio, agad na hihingin ng Pilipinas ang agarang pagpapa-deport sa kanya.

Siniguro naman ni Justice Secretary Leila De Lima na gagawin agad ng gobyerno ang paraan upang makasuhan agad ng syndicated estafa sa korte ang grupo ni Amalilio.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.