Para Magamit sa Emergency: Project Noah, Bumuo ng Survival Kit

BUMUO ANG Project Noah ng Department of Science and Technology ng isang survival kit na mapapakinabangan ng publiko sa panahon ng kalamidad.

May laman itong medical kit na pang-first aid, kapote at thermal blanket na proteksyon sa lamig.

Mayroon din itong energy bar at tubig na limang taon ang shelf life.

Kasama rin sa kit ang flashlight na solar powered at may built-in radio para makapag-monitor ng balita.

Sinamahan din ito ng compass, cutter, martilyo. May USB port din kaya pwedeng mag-charge ng cellphone pero kailangan gamitan ng pwersa ng kamay para mag-charge.

Maaari namang ga-wing floating device ang bag na kinalalagyan ng mga gamit.

Umaasa naman ang Project Noah na aaprubahan ng pamahalaan ang hihilingin nilang pondo para masimulan ang produksyon ng survival kit.

Nakatakda ring ilabas ng Project Noah ang kanilang internet tablet na maglalaman ng weather forecast, amount of rainfall at flood maps.

Samantala, unang ipamamahagi ang tablet sa may isang libong barangay sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.