Para mabawi ang Fort Bonifacio; Taguig, Naghain ng Mosyon sa CA

NAGHAIN NG motion for reconsideration sa Court of Appeals 6th Division ang pamahalaang lokal ng Taguig para igiit ang kanilang pag-aari sa Fort Bonifacio na ayon sa desisyon nito ay sakop ng Makati City.

Sinabi ng Taguig na ang paglilipat ng Fort Bonifacio kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) ay may epekto sa “hundreds of thousands residents and tens of thousands of business establishments.”

Apektado rin aniya ang mga plano ng mga negosyante na anila’y pagod na sa “bureaucratic red tape” at “needless local government intrusion”. Sinabi pa nitong may mga negosyo nang lumipat sa Taguig mula Makati dahil sa mas mababang buwis, mas maayos na serbisyo at business policies.

Malaking tulong din aniya sa 28 barangay sa ilalim ng Taguig ang P5 bilyong nakukuha nito mula sa BGC.

Binanatan naman ni Makati spokesperson Joey Salgado ang mga hakbang ng Taguig.

Huwag din aniya sanang i-harass ng Taguig gov’t ang mga negosyante sa gitna ng isyu, sa pagsasabing “the proper venue is in the courts, not in lamppost banners and stores. We are saddened that some business owners are being threatened with closure if they refuse to have stickers placed in their establishments.”

Nanindigan naman si Taguig Mayor Lani Cayetano sa kanilang karapatan.

Mababasa sa nasabing mosyon na: “Taguig’s claim has the backing of history — it precedes Makati as a political and corporate entity by decades. Taguig’s claim has the weight of official authority behind it — in statutes, in proclamations, in public documents — while Makati can only rely on private writings and proclamations that expand the original terms of that which it sought to amend.”

Samantala, muli ring nanawagan si Cayetano kay Associate Justice Marlene Gonzales-Sison na mag-inhibit sa kaso dahil sa pagiging malapit ng asawa nito kay dating Makati Mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay na unang nakipaglaban para sa Fort Boni.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.