Para maayos ang gusot: Diether, liligawan ulit ang GF!

SERYOSONG DIETHER OCAMPO ang humarap sa amin for interview. Nakapaninibago, parang hindi siya relax. Ang lalim ng iniisip. “Kasi ‘yung character ko rito sa Rubi, medyo serious. In reality, kung minsan, hindi mo mapagpag ‘yung character na ginagampanan mo. To be paired with Angelica (Panganiban) at Shaina (Magdayao), it’s a tandem I’m looking forward. This time, iba ‘yung role na ginagampanan namin, seryoso kaya hindi puwedeng pabayaan. Sa totoong buhay, hindi naman tayo ganito kaseryoso. Life is to short, we have to enjoy it! Kung minsan may mga responsibilidad tayong dinadala sa sarili natin.”

Super erotic daw ang mga sexy scenes nina Diet at Angelica. Hindi kaya magselos si Derek Ramsay kapag napanood niya ang daring scene ng dalawa? “Medyo nakarami na kami ni Angelica. One thing I like about her, very professional siya, saludo ako sa kanya. Isa siya sa hinahangaan ko, napaka-versatile. Marami na kaming pinagdaanan kaya ‘yung respeto namin sa isa’t isa, mas lalo pang nadagdagan. Ang sa akin, trabaho lang, walang dapat ikabahala si Derek. Angelica and I our good friends and we are both professional.

Hindi ganu’n kadala para kay Diet gampanan ang role niya sa bagong teleserye ng Dos. “Mahirap gumawa ng remake na teleserye sa mga katulad namin. Hindi maiiwasang gumawa kami ng sarili naming timpla. Subok na ang ABS, garantisadong angkop sa panlasang Pinoy ang Rubi. Lumilikha tayo ng sarili nating flavor. Kahit ibudbod mo du’n sa original masasabi mo pa ring mas maganda ‘yung sarili nating version,” pagmamalaking sabi ni Diether.

In terms of acting, bigay-todo na raw ang ginawa ni Diet para mabigyang justice ‘yung role na kanyang ginagampanan sa teleseryeng ito. “Sa bawa’t character na ginagampanan ko lagi kong binibigyan ng panahong mabigyan ng magandang characterization. ‘Yung role na ibinibigay sa akin, hindi naman basta-basta role lang. Hindi mo rin basta-basta puwedeng pabayaan. We worked hard for this TV series.”

Bigla naming binanggit kay Diet si Rima Ostwani. Okey na ba sila? “Last year hindi ako naging madamot sa inyo. Sa pagkakataong ito, sana hindi ninyo ipagdamot sa akin ito. Kumbaga, sa amin na lang muna ito for the meantime,”paiwas na tugon ng actor.

Malalim ba ang pinagdadaanan ninyo ngayon ni Rima? “Lahat naman tayo may pinagdaraanan. Ang alam ko, marami siyang inaayos na proyekto sa trabaho niya. Ako naman, inaayos ko ‘yung schedule ko. Nagkapatung-patong kasi ‘yung mga ginagawa kong trabaho ngayon,”matipid niyang sagot.

Pakiramdam namin, parang break na nga sila ni Rima kaya tinanong namin si Diet kung single siya at the moment? “Hindi naman ako kasal so, I’m single! Mas maganda kung babae ang tanungin ninyo. Kasi, ang lalaki, hindi naman masalita. As much as possible, huwag na lang nating pag-usapan kung anuman ‘yun. Wala namang problema sa amin, maayos naman. Wala naman kayong dapat ikabahala dahil hindi naman ako naging madamot sa inyo. Sa pagkakataong ito ibalato na lang ninyo,” paiwas na sabi niya.

May mga tsika kasi na diumano kaya nakipag-break si Rima kay Diether ay sa dahilang gusto na raw nitong pakasalan siya ng actor. May nagsasabing hindi pa raw ready si Diet para magpakasal uli. Issue na hanggang ngayon ay hinahanapan pa nang kasagutan. Ayaw namang magbigay-komento ang guwapong actor tungkol sa issue.

Wish ni Diet na si Rima ang maging ka-date niya on Valentine’s Day kung sakaling maayos ang gusot sa kanilang dalawa. “Kung kailangang ligawan ko siya uli, gagawin ko! Bonus na sabi niya sa amin na biglang tumawa ng malakas.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Para maayos ang gusot: Diether, liligawan ulit ang GF!

Leave a Reply

Your email address will not be published.