Para Kontra Dengue: Mga Bus Terminal sa Maynila, Inispreyan ng DOH

ISASAILALIM SA disinfection ng Department of Health (DOH) ang mga bus terminal sa Rizal Avenue, Maynila.

Sinabi ni DOH-National Capital Region (NCR) Head Dr. Eduardo Janairo na magsasagawa sila ng disinfection at space spraying operations sa mga nasabing lugar lalo pa’t laging lubog sa baha at nagsisilbing breeding site ito ng mga lamok.

Marami ring tao ang nagtutungo sa naturang lugar kaya marapat lamang na sila ay mabigyan ng proteksyon laban sa mga lamok na nagdadala ng Dengue.

Samantala, naniniwala rin si Janairo na ang mga bus na galing sa mga karatig na lalawigan ng Metro Manila ay posibleng carrier ng Dengue virus at kailangang mapigilan ang transmission.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.