Para iligtas si Noynoy: Kris Aquino, napilitang magsalita sa bagong eskandalo! – Lolit Solis

MUKHANG MATUTULOY NA ang pagdalaw ni Marian Rivera sa Daddy niya sa Madrid, Spain sa susunod na buwan, kasama siyempre si Dingdong Dantes.

Ikinuwento ito ni Dingdong sa presscon ng bagong project ng Yes Pinoy Foundation niyang Book Run sa tulong ng National Bookstore na ini-endorse din niya.

Aalis ang magkasintahan patungong Dubai sa February 1 para mag-guest doon sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Ilang araw yata sila roon dahil may ilang lugar sa Middle East pa silang pupuntahan.

Pagkatapos nu’n, tutuloy na raw sila ng Madrid para matupad na rin ang matagal nang pangarap ni Marian na magkita sila ng Daddy niya.

Hindi na raw kasi makapupunta rito ang Daddy ni Marian dahil abala na ito sa mga negosyo niya kaya si Marian na mismo ang pupunta roon, at kasama na niya ngayon si Dingdong.

Sey ni Dingdong, sana maayos na raw ang mga papeles niya para matuloy na talaga. Pero tingin ko naman maayos nila ‘yan, ‘di ba?

Si Marian naman, ayaw pa munang ikumpirma ito dahil mahirap na at baka maudlot na naman daw. Kapag natuloy na sila, saka na raw na siya magkukuwento with matching pictures pa.

Excited na rin si Dingdong sa biyaheng ito dahil may mga kamag-anak din pala siya sa Madrid na matagal na rin niyang hindi nakikita. Kaya hindi lang ito para sa reunion ni Marian sa Daddy niya, kundi pati na rin sa kanya para sa mga kamag-anak niya roon.

Sa ngayon, pinagkakaabalahan muna ni Dingdong itong Book Run niya na isang marathon na gaganapin sa Bonifacio High Street, Taguig sa January 31.

Sa mga interesadong sumali, magpa-register lang daw sa halagang 400 pesos at kung puwede ay magdala raw sila ng mga lumang libro nila dahil iipunin ito ng Yes Pinoy Foundation para ipamigay sa mga paaralang hanggang ngayon ay hirap pa ring makabalik pagkatapos masalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Ang edukasyon talaga ang concern ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong dahil naniniwala siyang malaking bagay sa isang tao ang may pinag-aralan. Hindi gaya ng Rosanna Roces na iyan na walang halaga sa kanya ang edukasyon!

LUMALALA NA ITONG panibagong eskandalo nina Kris Aquino at James Yap. Kahapon sa The Buzz, napilitan nang magsalita si Kris, dahil nga raw sa ginagawa nang isyu sa kandidatura ni Noynoy ang ayon kay Kris ay ‘domestic issue.’

Inamin ni Kris sa programa nila ni Boy Abunda at Ruffa Gutierrez na pinuntahan niya ang bahay ng babae. Pero hindi naman daw niya sinugod. Mahinahon daw siyang nagtungo roon, at nu’ng una ay inimbitahan pa siya ng mommy nu’ng babae. Pero hindi na nga nga lang siya pumasok at hinintay na lang na lumabas ang babae. Hanggang sa magkausap nga raw sila ng babae, mahinahon pa rin daw ang pakikipag-usap ni Kris.

Kahit na nga raw na sinabihan si Kris ng kanyang mga kaibigan na ‘wag nang puntahan ang bahay ng babae, ginawa pa rin niya. Dahil kung mananahimik daw siya, paano niya maipagtatanggol ang kanyang pamilya?

Ang nakakaloka, inamin ni Kris na humingi siya ng space mula sa kanyang mister. Pagod na raw siya emotionally sa relasyon nila ni James. Inamin din niya na sa kapatid muna niyang si Pinky siya nakatira kasama ang mga anak niyang sina Josh at Baby James. Hindi kasama si James.

Sa estado nga raw ng kanilang buhay-mag-asawa, nasabi pa ni Kris na, “I’ve tried. God knows I tried. James also tried. But in my opinion, not hard enough.”

Marami ang kumakampi kay Kris dahil kahit saan natin paabutin, may karapatan pa rin ang asawa at dapat niyang malaman kung bakit tumatawag at nagti-text itong Mayen Austria kay James.

Pero sa kabilang banda, nagsasabi rin ang iba na hindi na dapat ito pinuntahan ni Kris dahil wala naman talaga at kumbaga hindi sila talo.

Kuwento nga ng isang source namin, parang napahiya pa si Kris nang nakita niya ‘yung babae dahil hindi naman kagandahan at ang pagkakaalam ko, classmate pa raw niya ito nu’ng kindergarten sila.

Pero lumaki lang ito at nakarating sa media dahil ang nagkalat naman yata ng text na nanugod si Kris ay itong babae kaya obvious na gusto lang siguro nitong manggulo lalo na’t matagal na raw itong avid fan ni James at baka type naman niya talaga siguro ang naturang basketbolista.

Sana naman si James na ang gumawa ng paraan at iniwasan na ito. O, ‘di kaya, maaga pa lang ay ipinaliwanag na niya ito kay Kris at nang hindi na umabot sa suguran at hiwalayan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

33 thoughts on “Para iligtas si Noynoy: Kris Aquino, napilitang magsalita sa bagong eskandalo! – Lolit Solis

  1. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. gus2 kxe ni kris aquino cia mging first lady ni moynoy…kya ngpakumbaba c batchoy na mgsorry…!!!hahaha..wawa

  3. okayka kris tuloy mo lang yan na ala la mo pa ba yung mga lalaking tintawagan mo si Alvin, si Robin, si Joey may mga asawa na sila ah, buti ng si mayen audio contact lang e ikaw kaya??????? Gusto ko si NOYNOY kaya lang ang pag nanalo, si KRIS ang tatayung PRESIDENTE sa likod kya later magkakgulo ang bansa natin kawawa si MAR nagsakripisyo para kay KRIS.

  4. i agree with you JSAKARMMI.

    go girl! may your tribe increase!

    para sa mga taong judgemental … manalamin naman kayo!

  5. KUNG IBIDENSYA ANG KAILANGAN TIGNAN NYO SI BIG JOSH di ba ebidensya, kaya kris wag ka munang gagawa ng script kung alam mong bobomerang sayo.

    “Anong klaseng nanay ka? Anong klaseng palaki mo sa anak mo? (What kind of mother are you? What kind of upbringing did you give your child),” the source was quoted as hearing.

  6. never pa nmn sa kin nangyari na mangsulot ng boyfrend ng iba.and if ever may magkagusto man s kin na taken na pagsasabihan ko xa.dko na xa aagawin.kwawa nmn ung tunay na girlfrend.bsta ako go girl kris ipaglaban mo ang asawa mo s mga malalanding babae.

    • ayan na naman kayo, wala pang nagpapatunay na jowa ni james malandi na si mayen.

      para lang malinis ang immoralidad na si kris sisirain nanaman nyo yung inosenteng nilalang

  7. ano ba yan ang YAMAN YAMAN na niya hindi pa rin siya MASAYA papaano naman tayong poor at hindi kasing sikat at makaoangyarihan niya?…makontento na kaya sil at tanggapin ang tadhana!

    • dnmn issue d2 iha ang yaman ang issue is “pagtawag ng “DALAGA” sa isang “MAY ASAWA”
      at ang kagustuhan ni kris na maging maayos ang pamilya nya.

      wag pong ilihis ang issue

      • ANo naman ang masama sa pagtawag malay natin kung totoong kaibigan ni james si mayen at close sya kay james.. si kris lang naman ang nagbibigay ng malisyosong angulo at para magkaruon ng intriga at mapaguusapan nanaman sya.

      • and besides gawain yan ni kris tanungin nyo si josh ang dambuhalang ibidensya… sya ba ay may ibedensya na may relasyon si mayen at james?

  8. Gawain din ni KRIS yan dati, ang lumapit sa mga me ASAWA diba :D… sabi nga ang Magnanakaw takot sa AKYAT BAHAY lols!!!

    Maging proud dapat si Kris dahil babae ang lagi nali-link sa asawa nya.. maloka cya kung c Ogie Diaz ang susunod na makabit kay James :D

  9. ang lahat ng nag comment dito na malinis murahin nyo si kris..pero kung kayo sa sarili nyo ay may masama ring ginawa sa kapwa nya putulin nyo ang inyong mga darili at bibig…bago kayo mag bato ng masakit na salita sa inyong kapwa ay tingnan muna ang inyong sarili kung kayo ba ay malinis…

  10. hay ang sabihin nyu may mga babae tlgng ubod ng landi.kya kris after nyan kay malen eh wag kang didikit kay marian bka magising ka isang araw eh nasulot na

    • sobrang pait mo kay marian,,,dnmn kasali sa issue isali ba..
      utak mo nasa tlampakan mo cguro no?
      blik ka kya sa school ng maturuan ka ng abc…ttssk…tttsskkk…ttsskk

  11. Sabi nga nila.. what goes around comes around.. takot kasi sya sa multo kasi nangmulto na dati, hehehehe.. kaya nakikita pa lang nya ang senyales naaalarma na kahit wala pang ebidensya..

  12. Sinabi pa nila na may halong pulitika. Ito ay pag-iwas lang sa isyu. Dahil ung Mayen naman ang lumalapit sa media hindi ung pulitiko ang gumawa para siraan sya at kapatid nya.

    • if u read d article in pep…ung uncle ni mayen ang nag-umpisa bkit napasok ang pulitika d2….
      he said na alam nmin ngayon kung cno ang hindi ibo2to??/
      tinatanong ba un??/dba hindi nmn why drag dat samantalang between her pamangkin,kris and james ang issue(pagtawag ng “DALAGA” sa may asawang tao)

      • sino ba ang nangangampanya at nag umpisa di ba si kris na ultimo peluka ni noy noy ay pinapakialaman nya, ngayon may issue si kris hindi na sya kasali… tumigil nga kayo

  13. I agree sa sinabi ni “LOVE IT”. Talagang ayaw ni Kris na nasasapawan sya. Di ba siniraan din nya si Sharon para makuha ang ilang endorsement nito. Ngayon naman si JohnLloyd dahil inayawan ung MMK project for Ninoy-Cory.

    Napanood ko ung interview nya sa The Buzz. Naniniwala ako sa ilang sinabi nya except yung sinabi nya na hindi nya binulyawan ung girl? At hindi nya ugali yun. Ang preba, kahapon sa The Buzz. She said: Ian, hindi nyo ko pwdeng pigilan. Magsasalita ako para kay Noynoy. Na kung papansinin mo may halong pagtataray.

    At madami din naman nakakaalam na nagger sya di ba sa asawa at sa ibang tao.

    Kaya sana di na nya sinabi na on AIR na hindi sya naninigaw. Okey na sana lahat ng sinabi nya expect dun.

    • eto pa ang sinabi ni kris na nagmamalinis:

      “Anong klaseng nanay ka? Anong klaseng palaki mo sa anak mo? (What kind of mother are you? What kind of upbringing did you give your child),” the source was quoted as hearing.

      So anong klaseng nanay si cory kung i rereflect natin yung sinabi nyang yan, masahol pa sa hayup dahil immoral si kris pruweba si big Josh.

      so kunsintidor na ina si cory dahil during her time na presidente pa sya ay nanlalalake at nangaagaw si kris ng may asawa not once but many. talbog ang dialogue ni susan. hindi sya nasupil ni cory

      kaya tama nga WHAT GOES AROUND COMES AROUND..

  14. ang nagagawa nga naman ng pera, isa ka na lolit na sa konting halaga ay ipagtatangol mo ang may kasalanan. sabagay naman kayo diyan at wala naman kayung mga konsensya.

    galing na mismo sa inyo na pinagsabihan ng huwag puntahan at nag isplika na si james na humihingi ng comfort dahil nga sa problema nila ng bf na kaibigan din naman ni james. ipinakita lang ni kris ang pag ka mal edukada nya…. aware naman sya na lahat ngkilos nya ay nakatutuk ang madla lalo na kandidato ang kuya nya sa pag kapangulo.

    sa katayuan ni kris dapat ay kumuha muna sya ng mga hard evidence bago sya sumugod, at kung malinis ang konsensya nya puwede namang sa mataong lugar sya makipagkita kay Mayen kung malinis ang kanyang intensyon. magdala sya ng makakapagpatunay na maganda ang kanyang hangarin hindi sa paiiwanin nya sa loob ng sasakyan yung mga kasama nya.

    beside, di ba kabit ka rin dati ng ilang beses may pruweba pa nga si josh. hindi ka naman sinugod ng tunay na asawa ni philip.

    otherwise isasakripisyo mo uli si james para sa a). presidential ambisyon ni noy b). may type ka nanaman na iabng size c). nakasanayan mo nang mag kula ng inyong kahihiyan sa publiko d). wala kang galang sa mga anak mo, sa pamilya mo at sa pagkatao mo e). all of the above.

    sakit mo na yan ayaw mong magpatalbog sa iba gusto mo palagi ikaw at ikaw ang pinaguusapan regardless kung kahihiyan nyo o ng ibang tao basta ka lang mapag usapan.

    • hindi kapa cguro kasal iha ano???
      hindi ang past ni kris ang issue d2….kundi ang kagustuhan nyang maging maayos pamilya nya…
      if u wer in kris shoe(as a wife) gugustuhin mo rin bang may mga tumatawag pa(dalaga) sa asawa mo?
      2 confined her love prblem? dba ayaw mo rin
      kc kung matino kang dalaga bakit hindi ka kumunsulta sa na2y o sa mga gff mo dba? bkit ang malaking tanong bakit kay james pa na may asawa? and it happen when dey have a lunch…in front of eating together…so masakit un 4 kris (hu is a wife)
      kya tama lang ang ginwa nya na kausapin(maayos na paraan nmn nya ginwa) ung girl 2 stop….
      at baka lumagpas na sa limit of friendship.

      hope maranasan mong maging 1 asawa at ng maintindihan mo sitwasyon ni kris
      not a fan but iam also a wife who will also fight 4 my rights and as kris said fight 4 my territory.

      • totoo namna kaya na tinawagan o may relasyon sila… anong hindi issue ang past ni kris hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng stigma… nakadikit na yun kahit na uurin ang katawan nya ay yun pa rin ang pag uusapan kay kris at habang nakabalandra ang malaking ibidensya sa buhay nya na si big josh yun ang issue kay kris dahil everytime na bumuka ang bunganga nya tungkol sa mga ganyang issue na gustong gusto nya ay mag bobomerang palagi sa kanya.

        dapat nyan ay tumahimik wag mag laba sa publiko kaso enjoy naman nya na ang kahihiyan na ay kusindered fame para sa kanya…

      • true fight for your right sa tamang paraan… hindi yung ngawa ka ng ngawa wala ka pang nakikitang ibidensya.. tignan mo si big josh napakalaking ibidensya.

    • Oh my goodness who the hell are you??? anyway if you dont like kris better keep your month on your pocket ok…and how dare you na pati ba naman si Noynoy isama nyo sa issue… ano man ang sabihin nyo iisa lang ang sa amin ay deserving manalo at yun ay walang iba kundi si NOYNOY, wag nang kumontra ito ay aming opinion…and let me tell you lahat ng tao ay may karapatang magbago just like kris past is past…life of kris now is a new chapter ok wag nang ungkatin pa ang nakaraan…peace to all

Leave a Reply

Your email address will not be published.