Para Iapela ang Bibitaying Pinay: Biyahe ni Binay sa Tsina, ‘Di Tuloy

HINDI NATULOY ang pagbiyahe ni Vice President Jejomar Binay sa Tsina para iapela sana ang sentensyang bitay sa isang Pinay na sangkot sa kasong ilegal na droga.

Sinabi ng pangalawang pangulo na nakatanggap siya ng mensahe mula sa Chinese Ministry of Affairs kamakailan na nagsasabing “now would not be a convenient time” para tumulak siya roon.

Dahil dito, kinansela na niya ang biyahe kahapon.

Nilinaw naman ni Binay na nirerespeto ng gobyerno ang hatol sa Pinay pero nais nitong ipagpaliban ito.

Nakatakda ang execution sa nasabing Pinay sa Martes, Hulyo 2.

Maaalala na inaresto ito noong Enero 25, 2011 dahil sa dala nitong heroin.

Samantala, nanawagan naman ng dasal si Binay para sa kababayan at pa-milya ng nasabing Pinay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.