Para ‘di maunsyami ang pag-ibig
Kris Aquino, ‘di muna dadaldal

PARA HUWAG na muling maunsyami ang pag-ibig ni Kris Aquino, she will keep her mouth shut.

In short hindi na siya magsasalita ng kung anu-ano para hidi maudlot ang kung ano man meron na nagsisimula umusbong.

Kris learned her lessons from her past releationship na kahit konting kibot, asahan mong nalalagay agad sa dyaryo at napag-uusapan kaagad.

Hindi maiiwasan, sikat kasi siya na kapag may isang lesser star (lalo na isang non-showbiz guy) ang nagsisimula na ma-link sa kanya, napapaatras o ‘di kaya’y nabubulilyaso.

This time pangako niya sa kanyang sarili, she want to enyoy loving someone (ngayon na may go signal na ang anak niya na si Bimbi) at never na raw siyang magku-kuwento at gawing “showbiz” ang relasyon niya dahil she want it to be private.

Mabuti naman kung ganu’n.

 

RUNNING JOKE ngayon ang larong Bingo mula nang makulong si Manila Vice Mayor Isko Moreno last weekend dahil sa pa-Bingo niya sa isang distrito ng Kamaynilaan.

Kahit saan mo man tingnan, gandang publicity ito kung marunong lang ang kung sino mang publicist ni Isko para lalo siyang mapag-usapan ng madlang pipol.

Ito namang si Mayor Lim, pati ang laro ng mga matatanda na Bingo ay pinagdiskitahan.

Dami na akong na-attend-an na mga Bingo sosyal sa mga imbitasyon ng mga kaibigan na ginagawang fundraising project nila.

Kung nasa SM Megamall ako at matagal pa ang hinihintay na kausap, nakikilaro ako ng Bingo du’n sa may bridge walk connecting Bldg. A and Bldg. B.

Ngayon ko lang nalaman na bawal pala at isang sugal ang Bingo.

Kaloka naman itong si Mayor Lim, parang despirado sa ginagawa niyang panggigipit sa kalaban na si Vice Isko.

Tuloy takot na akong maglaro ng Bingo kapaga nasa Manila ako. Dahil sa sinasabing “sugal” ang Bingo, hindi na rin pala ako makiki-miron sa mga perya sa mga kanto-kanto kapag may mga maliliit na kapistahan lalo na sa Manila.

 

FIRST TIME namin napanood si Sam Milby na mag-perform nang live sa Zirkoh Tomas Morato last Sunday.

May boses siya kumpara sa iba na nagwawangwang sa ibabaw ng entablado.

Tama ang sabi ni Mildred Bacud (isang movie reporter) na charming si Sam on stage.

Hindi maarte. Hindi madaling mairita kahit pagkaguluhan man siya ng kanyang ga tagahanga na gustong magpa-picture sa kanya.

Ang lakas ng charisma niya who always have a pleasant face at palaging nakangiti. Kung ibang artista nga lang siguro, baka walang effort na mag-reach out ang mga ito.

‘Yong ibang mga artisa kasi, takot bumaba sa entablo para mag-reach out sa kanyang fans.’

Si Sam, game na nakipag-picture-taking sa kanya na bumili ng tickets para sa Post-Valentine Show niya with Gladys Guevarra, Prima Diva Billy at ang baguhang si Michael Pangilinan.

Update kay Sam, he is enjoying his teleserye with Angeline Quinto. And by the middle of 2013, sila naman si Judy Ann Santos ang magsasama sa isang teleserye na nasimulan na nila ni Juday i-taping.

ISYU BA kung naging cover girl si LJ Reyes sa FHM?

‘Di nga ba’t nagbuntis na siya out of wedlock at ang ama nga ay itong matinee idol ng bayan na si Paulo Avelino?

Anong bago?

 Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Para ‘di maunsyami ang pag-ibig
Kris Aquino, ‘di muna dadaldal

  1. Paano ba yan Kris?
    Religious ka pero dalawa na bastardo mo.
    Annulled yung marriage eh.
    Ngayon, magiging celibate ka ba?

  2. naku yang talaklesang yan ay di uubra dyan ang manahimik. once a walang breeding, always a palengkera ang bunganga. buti na lang naghiwalay na sila ni james dahil kawawa lang sa kanya. dapat sa babaeng to lumayas na sa pinas. isama na din nya ang abnoy nyang kapatid ng umunlad naman ang pinas at di puro press release lang na umunlad na daw. bumaba kamo sila sa kalye at pedestal nila ng makita nila kung gano kahirap ang buhay ngayon.

    • at least mayaman, sikat at very popular si kristeta… yong iba dyan hindi na nga sikat, dukha pa hahahaha! at may karapatan namang magingay ni kris kasi may sinasabi siya sa lipunan at showbiz industry kaya wag na kayong bitterness

Leave a Reply

Your email address will not be published.