PARA ‘WAG MA-DEPRESS KATRINA HALILI, TAMBAKAN NG TRABAHO!

NAPAKALAKING PAGKAKAMALI PARA ituro at sisihin si John Lloyd Cruz sa walang katapusang intriga na kinasasangkutan nila nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao.  Kaya nagkakaroon ng isyu ay dahil parang siya ang nakikipag-communicate sa unica hija ni Tita Annabelle Rama.  May  ganoon  silang isyu ni Ruffa habang si Shaina ang karelasyon niya. Ang dating ay parang namamangka si John Lloyd sa dalawang ilog.  At hindi na niya nirerespeto ang relasyon nila ni Shaina.

Masaya ba si Lloydie na iniintriga si Shaina na isang babaeng naghahabol sa lalake?  Na habang magkarelasyon sila ay pinagdududahan si Shaina na may kulang sa kanya, kaya si Ruffa ay hindi nawawala sa eksena?

Malakas ang loob si Ruffa na magsalita, dahil sa pagitan nilang dalawa ni John Lloyd, ang maga-ling na aktor pa rin ang kumokontak sa kanya.  Kung wala na talaga silang communication, walang magiging isyu.

Si Shaina ang kanyang inaming karelasyon, kaya may karapatan ang sister ni Vina Morales na ipaglaban ‘yon kung may ibang babae na mauugnay kay Lloydie.  Sasabihin ni John Lloyd, okey na silang lahat.

Anong palusot ‘yon?  Paano na lang kung magtaray na naman si Tita Annabelle kay Shaina?

DAPAT KAY KATRINA Halili ay magkaroon ng tambak na trabaho sa GMA-7. Nakakaawa siya kapag siya’y nababakante.  Bukod kasi sa hindi na siya naglalalabas ng bahay, hindi maiiwasang maging malungkot siya kapag nasa loob na siya ng kanyang bedroom.

Hanggang ngayon ay napakalaki pa rin ng epekto ng kontro-bersiyang kinasangkutan nila ni Hayden Kho.  Kahit matagal na ‘yon, nahahalata pa rin ni Kat sa reaksiyon ng mga tao kapag nakikita siya ang tungkol pa rin sa iskandalo nila ni Hayden ang naglalaro sa isipan ng mga ito.

Isa rin si Yasmien Kurdi sa hanay ng mga Kapuso stars na sa ngayon ay mahahawa ka ng kalungkutan kapag nakaharap mo siya. Katulad ni Katrina, si Yasmien ay sobrang apektado pa rin ng kontrobersiya nila ni Baron Geisler.

Kapag kinumusta ngayon si Yasmien at dumako ang kuwento tungkol kay Baron, bigla na lang pumapatak ang luha ng alaga ni Manay Lolit Solis.

Marami ang nakikisimpatiya kina Katrina at Yasmien.  Pinanindigan kasi nila ang kanilang reklamo laban sa mga lalaking bumastos sa kanilang pagkababae.  Hindi madaling gawin ang ganyang pakiki-paglaban at paglalantad, dahil bilang mga babae ay mabibilad talaga sila sa kahihiyan.

Kaya nga, mayroon ding mga nag-iisip kung tama lang din ang na-ging desisyon ni Maricar Reyes sa kanyang pananahimik nu’ng makaladkad din ang kanyang pangalan sa isyu ng sex video.  Ngayon kasi ay naging misteryosa ang dating ni Maricar sa showbiz.  Puro teleserye ang kanyang pinagkaabalahan, at hindi siya nagpapainterbyu.

PERSONAL:  Maraming salamat sa mga taong nagpasaya sa akin nu’ng birthday ko (January 6).  Salamat sa mga regalong natanggap ko mula kina Kuya Boy Abunda,  sa ABS-CBN Communications Division, ganu’n din kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Tates Gana, at sa lahat ng nag-text sa akin ng pagbati.  Tenkyu, tenkyu!  Ang babait ninyo!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “PARA ‘WAG MA-DEPRESS KATRINA HALILI, TAMBAKAN NG TRABAHO!

  1. echos! magkaiba ang sitwasyon ni makating halili kay yasmien kaya don't compare them! si KATi ganyan lang talaga yan natural ang kapokpokan nasa kilos at pagsasalita na nya iyun in short malandi. uhaw sa sex. yan ang napapala nya feeling sikat starlilet lang nman ang level. at sino nagsabi na na trauma at malungkot si makating halili? panay hubad pa rin at feel na feel ang retokeng katawan at ilong mukha naman bayot bading bakla shokoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.