Para ‘di matulad kina Jake at Gerald Zanjoe Marudo, kailangang ipaglaban si Bea Alonzo!

BAGAY RIN PALANG tingnan kung magkasama sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Maganda ang mukha ni Bea na pansinin talaga. Habang si Zanjoe naman ay maganda ang height na siyang laging napapansin sa kanya. Halata rin sa mga kilos ni Zanjoe na mahalaga na sa kanya ngayon ang original na ka-loveteam ni John Lloyd Cruz, dahil sobra niyang iniingatan ang dalaga.

Sana lang, si Zanjoe ay hindi matulad kina Jake Cuenca at Gerald Anderson na parehong naging malapit kay Bea, pero bigla na lang nawawala sa eksena. Kasi nga, lagi na lang nagiging mailap si Bea na harapin ang isyung nagtatanong kung bakit nawala na lang bigla ang pakikipaglapit niya sa mga lalaking minahal niya rin naman. Basta parang natatapos na lang iyon nang si Bea na lang ang nakakaalam ng kuwentong nakapaloob sa kanilang hiwalayan.

Kung mahal din ni Zanjoe si Bea, patunayan at ipaglaban niya. Para mapatunayan niya rin sa maraming tao, na hindi totoo ang tsismis, na nagmumukmok pa rin siya, at minsan ay napapabayaan niya ang kanyang sarili, dahil hindi pa rin niya makalimutan ang ex-girlfriend niyang si Mariel Rodriguez.

SESEGUNDAHAN KO LANG ang sinulat ng kapit-bahay nating columnist dito sa Pinoy Parazzi na si Ronnie Carrasco tungkol sa hindi naging kagandahang-asal ni Pia Guanio nang minsang lapitan siya para interbyuhin ng mga taga-programang Tweetbiz ng QTV, na ang ending ay parang nabastos ang mga gustong mag-interbyu sa kanya. Naku, may karanasan din ako d’yan kay Pia na hindi ko makakalimutan. Na kapag wala na pala siya sa harap ng kamera ay may kakaiba talaga siyang ugali.

Kapag kasi walang masyadong balita ay masarap tumambay sa studio. Madalas akong pumasyal kapag Sunday noon sa GMA-7 dahil maraming artista. Sa SOP pa noon kami lagi. Ang programa pa nina Pia at Paolo Bediones ay S-Files at dumadaan sila sa tapat ng studio ng SOP para makapunta sa lumang studio kung saan ginagawa dati ang S-Files at Startalk noon. Nu’ng matanaw ko si Pia ay nilapitan ko siya, habang katsikahan si Jun Lalin. Sabi ko: “Pia, puwedeng pa-interview?” pero nakatalikod na si Jun noon, para umalis. Sagot ni Pia sa akin: “Alam ba ni Jun Lalin ‘yan?” sabay tinalikuran na niya ako.

Ganu’n lang. Ni wala siyang salitang: “Sorry, hindi ako nagpapa-ambush interview!” Gusto ko sanang isipin noon, na nakakabastos siya, dahil tinalikuran niya na lang ako samantalang marespeto naman akong nagpaalam sa kanya. Sa inis ko na lang sa kanya ay inisip kong: “Malalaos ka rin, Pia ka! Hindi ka na pag-uusapan kapag hindi ka na love ni Vic Sotto!”

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

16 thoughts on “Para ‘di matulad kina Jake at Gerald Zanjoe Marudo, kailangang ipaglaban si Bea Alonzo!

  1. mm. lets just give them the benefit of the doubt, although im not yet sold out of the “courtship” between bea and zanjoe. maybe it’s another scheme to talk about them and raise ratings in their current show.

  2. super bagay cna Bea and Zanjoe…kung san Happy c Bea dun ako…atleast c Zanjoe man enough para panindigan c Bea…love u both…

  3. say peace if u want armageddon comes i urges to people that help me spread the good news to the other social networking sites when powerfull nation say peace the armageddon will come and poverty,accident,crime,disaster,disease,older,and DEATH WILL BE NO MORE

  4. Hay naku, si Pia eh napakapangit naman niya eh. Puro makeup lang at ang legs-piki, at talagang walang natural charm. Pa feeling beautiful pa siya sa EB, akala niya beauty queen siya eh maganda pa si Pokwang at Vice Ganda sa kanya.

    She is not sexy-she is a slut, look at the way she dresses and how she presents herself to the viewers of EB. Ang balita ko, puro retoke sa face and katawan siya. Feeling virgin pa, eh may naklive-in na siya for 6 yrs before Vic sotto.

    • totoo yun, yung yung kapatid ni christine jacob. i have to agree that pia, john lapuz, pokwang and vice ganda look like they are quadruplets. all are annoying, and their attitude is much to be desired. i was watching her body language while gwen zamora was in eb judging pnb, not only gwen looks prettier, she seemed way nicer than pia. just a matter of time till they 86 that eyesore off tv.

  5. i agree sayo,,,mas bagay kay bea ang gaya ni ANDREI FELIX,,o ni ATOM AUROLLO,,ang newscaster,,,ok din sa kanya si RAFAERL ROSEL,,JON AVILA,,o si WILL DEVAUGHN,,balitang tipo ni ALJUR ABRENICA si bea..ok din si JC DEVERA sa kanya,,,o kaya si FABIO IDE,,diba,,wag lang si zanjoe,,di bagay e,,sila lang namimilit,,

  6. i agree,,isa si bea sa importanteng actress of all time,,gaya sya ni KRISTIN HERMOSA,,ROXANE GUINOO, G TOENGI,,TANYA GARCIA,,ANGELIKA DELA CRUZ,,KAYE ABAD,,CARLA ABELLANA,,LJ MORENO etc,,na pawang tahimik at maayos na pinalaki,..i agree,,wala yatang planong sagutin ni bea si zanjoe,,una mas may bagay kay bea,,wag ipilit,,,wala silang chemstry,,walang datating,,wala lang,,kulang,,mas bagay nga kay bea si RAFAEL ROSEL,JON AVILA,WILL DEVAUGHN,if ako pipli kay bea,,,mas ok ang gaya ni ANDREI FELIX o COGIE DOMINGO,,i want bea,.to be wid matured guy kase nga shes sensible,,ayaw ni bea sa bata sa kanya,,.bea,,.work muna iha,,saka na yan,,im sure god preparing the ryt guy for u,soon,,

  7. we love bea alonso…tlagang sikat at magaling na actress,,..talented pa,,,we lov her,,,smart,sensible,magalang,tahimik,proffesional,,sincere,,maayos na babae,,mapagmahal sa pamilya nya,lingkod ng dyos,focus at mabuting puso,,yan si bea!!.FYI,HINDI PO SINAGOT NI BEA SI JAKE CUENCA NOON DAHIL SA PAGIGING NEGA AT SIRA ANG IMAHE NI JAKE NOON SA TAO DAHIL KAY ROXANNE GUINOO,,MALAS NI MELISA RICKS,,HEHEHEH,,ABOUT KAY GERALD-MUNTIKAN PALANG NA SAGUTIN NI BEA ITO,,PERO HINDI RIN,,KASE BATA A SILA,,AT DI SILA BAGAY,,,ITO RING SI ZANJOE,,HANGGANG FRENS LANG NMAHIHITA NYA,,KASE DI PA TALAGA READY TIONG SI BEA TO COMMIT,,,WAG NYO SYANG IGAYA S AIBA JAN NA NAGBIBILANG NG JOWA,,OK,,

    • talaga di niya sinagot si gerald..bakit siya nag-pupunta sa bahay ni gerald??? ah oo di nga sinagot ni bea si gerald kasi siya ang umakit kay gerald sa NY …. invite niya though her fans sa drinking session then nung lasing na sa bed session…hahaha…itanong mo pa sa bearald fanatics ..dami sila pictures…ng dalawa sa NY..at may pics pa sa bahay ni gerald ..at home si bea dun…at may pic pa si bea with gerald’s sister…hahaha… si zanjoe ay cover up lang…strategy ng management at the same handler sila ni zanjoe…so cover up lang zanjoe at bea affair kasi nega image si bea in getting involve with gerald…di nag-rate movie at teleserye niya in spite the fact na powerhouse ang casting…. punta kaya sa pex thread ng bearald fans….dami sila story dun sa “honeymoon’ moments ng dalawa sa NY, London , sa Tagaytay Highlands at pati sa plane….hahahaha….ito ang mv….http://www.youtube.com/watch?v=WbJNRvhK4fE

  8. i can’t wait for the day when pia gets kicked out of eat bulaga. i record eat bulaga nightly and fast forward the show everytime she is there. she is patronizing to the contestants, she dresses like a tramp feeling that people might find her attractive. inspite of her presence, eb is riding high, you could just imagine if she is not there.

Leave a Reply

Your email address will not be published.