Papunta sa Lamay, Nauwi sa Trahedya Truck, naaksidente; 15 patay, 8 sugatan

LABINLIMANG KATAO na pawang mga magkakamag-anak ang nasawi habang walo pa ang sugatan matapos na maaksidente ang truck na sinasakyan ng mga ito patungo lamang sana sa isang lamay ng kaanak sa bayan ng Caibiran lalawigan ng Biliran kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni PO2 Alipio, Pantas Jr. ng Biliran Police kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson C/Supt. Generoso Cerbo Jr., nangyari ang aksidente sa pababang bahagi Caibiran road lalawigan ng Biliran dakong alas-7:10 ng gabi kamakalawa.

Sakay ng isang Elf Truck na ‘di na nabanggit pa ang plaka ang 28 katao na pawang mga magkakamag-anak upang dumalo sa lamay ng kanilang kaanak na namatay sa Caibiran, Biliran nang mawala ng preno ang nasabing truck na agad na paggewang gewang sa kalsada bago tuluyang at nahulog sa kanal.

Labing tatlo ang dead on the spot habang dalawa naman ang nasawi sa pagamutan, habang walo naman ang patuloy na nilalapatan ng lunas ngayon sa Eastern Visayas Regional Medical Center. Masuwerte naman ang limang kaanak ng mga ito na hindi nasugatan sa aksidente.

Ilan lamang sa mga pina-ngalanang nasawi ay sina Honoria Regir, Lolita Yagon, Renato Escosis, Julito Yagon, Marianito Areglo, Juniel Rosete, Anthony Jay Montiadora, Lito Cabalquinto, Junita Rosete, Josephine Rosete, Junalin Rosete, Areglo Jennifer, Manilyn Rosete at dalawa pa na pawang mga residente ng Bayan ng Naval ng nasabi ring lalawigan.  (EUNICE CALMA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.