Papeles sa Indonesia, sinabotahe Christian Bautista, magdedemanda?!

NAKAUSAP NAMIN si Christian Bautista sa opisina nila sa Makati City, kung saan sinadya namin ng kasamahang si Morly Alinio ang Asia’s Pop Idol upang kapanayamin nang malaliman tungkol sa nangyaring diumano’y pagpapa-deport sa kanya kamakailan lang sa Indonesia.

Kuwento niya, may kinuha silang ibang agent upang mag-ayos ng kanyang papeles patungong Indonesia dahil sa ilang gigs at commitments. Kampante naman daw siya at ang kanyang management na maayos na lahat dahil matiwasay naman siyang nakapasok sa Indonesia. Pero after daw niyang kumanta sa isang gig, nilapitan daw sila ng ilang immigration officials upang imbitahan sa Immigration Office ng nasabing bansa.

Nilinaw raw ng mga ito sa kanya na hindi working visa, kundi isang tourist visa ang bitbit niyang papeles. Pero maayos daw silang kinausap ng mga opisyales doon at naayos naman daw ito.

Sa ngayon, pinag-iisipan pa raw nila kung gagawa sila ng hakbang laban sa nasabing ‘agent’ na kinuha nila dahil sa ‘embarrassment’ na nangyari.

Babalik si Christian sa Indonesia bago pa ang Valentine’s Day para sa isang Valentine’s show roon at ngayo’y maingat na raw sila sa pagkuha ng papeles papasok doon. Halos anim na taon na nga naming labas-masok siya sa nasabing bansa pero nga-yon lamang ito nangyari sa kanya.

NAABUTAN NAMIN si Martin Escudero na abalang-abala sa pictorial ng bago niyang show sa TV5. Pagkatapos ng sunud-sunod niyang pagsabak sa dalawang drama series na Babaeng Hampaslupa at Glamorosa, sasabak naman sa isang sitcom si Martin kasama sina Andrew E. at Empoy.

“Isa siyang comedy na sumesentro sa isang tao na magiging superhero. Pero hindi pa puwedeng sabihin ang mga detalye tungkol dito,” kuwento pa ni Martin sa amin.

Paano naman kaya niya pinaghahandaan ang pagko-comedy? “Hina-handa ko lang talaga ang sarili ko, kasi aminin n’yo ‘yan, mas mahirap magpatawa kaysa magdrama. Pero tutulu-ngan naman ako nina Kuya Andrew at Empoy.”

Pinamagatang, Kapitan Awesome, sa February 19 na mapapanood sa TV5 ang nasabing sitcom, kaya watch na!

KINUMPIRMA NI Nanay Cristy Fermin sa Juicy noong Lunes ng gabi, na hindi na nga babalik sa Wil Time Bigtime ang kakakasal lamang na co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad.

Kinausap daw ng production head ng show si Councilor Shalani noong Sabado ng gabi at dito ay ipinaliwanag daw sa konsehala ang mga dahilan ng show para hindi na muna siya aapir sa number 1 game show sa primetime. Iniyakan daw ni Shalani ang balitang hindi na nga siya makakabalik sa show.

Well, para sa amin, tama lang naman siguro na magpahinga na muna sa pagho-host si Miss Shalani dahil kakakasal lamang niya at siguro ay dapat mag-focus na lang muna siya bilang may-bahay ni Congressman Roman Romulo. At para na rin mabilis silang makabuo ng anak na siyang kukum-pleto sa kanilang pamilya.

Well, goodluck na lang sa bagong kasal!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous article12-anyos na anak ng TV personality, nabuntis at nanganak?!
Next articleRichard Gutierrez, sabik nang sumabak sa drama!

No posts to display