Papa na kumatay sa bading, nakunsensiya, sumuko na

SAN JOSE DEL Monte City – Dahil sa kunsensiya sa karumal-dumal na pamamaslang sa first barangay kagawad, na nagtamo ng 34 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan kamakailan sa Brgy.Kaypian, kusang-loob na sumuko ang suspek.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rodolfo “Boy” Hernandez kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang sumuko na suspek na si Jefferson De Guzman Y McDnough, 27 anyos, binata, bet collector, residente ng Brgy. Minuyan Proper sa nabanggit na siyudad, samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Rodolfo Tipace Y Ramirez, 45 anyos, 1st barangay councilor, at Federation President ng Barangay Health Workers ng Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-12:30 ng hapon ng boluntaryo itong sumuko kay Governor Willy Alvarado at Lone District Congressman Arthur Robes, at PD Mendez.

Nabatid sa suspek na hindi na umano niya makayanan ang matindi nitong pag-iisip kung bakit niya napatay si Tipace, at sobrang takot sa mga pulis na humahabol sa kanya, kaya nagpasiya na lamang itong sumuko at lumantad sa punong lalawigan.

Kung saan inisip din nito ang kanyang kaligtasan sa kamay ng matataas na opisyal ng pamahalaan. Samantala detenido na ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail sa kasong Robbery w/ Homicide. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.