PAPA MEYOR, ORBITERO O SOCIABLE?

NAGIGING TAMPULAN NGAYON ng tukso sa mga club sa Quezon City ang ama ng isang opisyal ng bayan dahil sa pagiging “orbitero” nito.

Ayon sa impormante, madalas umanong ikutan ng ating bida na kung tagurian ay si “Papa Meyor” ang mga club sa Quezon City, lalo na ang mga napabalitang nagkakaroon ng “totnakan” sa loob ng VIP rooms gaya ng Mystique at Stardust.

Susmaryosep namang tao itong si Papa Meyor, mukhang hindi na yata tinatablan ng hiya!

Ayon sa ating source, matagal na uma-nong umeeksena sa Quezon City ang taong ito, ngunit kilala ito noon sa taguri na Papa Vice.

He, he, he… mukhang umaangat din ang diskarte ng kolokoy na ito, hano? Mula pala sa pagiging Papa Vice nito, naging Papa Meyor na ngayon…

O baka naman ang kanyang anak ang umaangat?

Tayo, parekoy, ay may tatay rin siyempre.

Pero tinitiyak natin na anuman ang mangyari ay hindi magagawa ng aking papa na umorbit kahit saang club…

Tigbak na kasi papa ko, eh! He, he, he!

Pero itong si Papa Meyor ay mukhang matatagalan pa bago matigbak.

Ang lakas-lakas pa kasi ng katawan ng animal!

Pero mayroon din namang mga dumidepensa rito kay Papa Meyor.

Ayon sa kanila, “sosyabol” lang talaga itong si Papa Meyor.

Dahilan kaya lagi umano itong laman ng mga club sa Quezon City.

Ganu’n ba? Oki naman pala, parekoy, lalo na kung hindi na natin pakikinggan ang hinaing ng ilang “floor manager” na maliban daw sa “tongpats” na tinatanggap nitong si Papa Meyor, gusto pa nitong pakialaman ang magustuhan niyang tsiks!!!

Naku ha! Panahon na siguro, parekoy, para hubarin ang maskara nitong orbitero na si Papa Meyor, dahil nakasisira na ito hindi lamang sa reputasyon (kung meron pa) ng kanyang anak na opisyal ng bayan!!!

Higit sa lahat, parekoy, lumalakas ang “totnakan” sa loob ng mga VIP room ng ilang club gaya ng Mystique at Stardust dahil nakapatong sa kanila si Papa Meyor!!!

Dapat talagang umaksiyon na ang Papa, este ama ng Kyusi na si Mayor Herbert “Bistek” Bautista!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking radio program… ALARMA Kinse Trenta, tuwing umaga alas-6 hanggang alas-7, Lunes hanggang Biyernes sa DZME (Dulong kanan ng inyong tala-pihitan) O, kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com

Anumang mensahe ay maaaring iparating sa pamamagitan ng junbriones69@yahoo.com o,kaya sa 0932-1688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.