Paolo Valenciano, kumakawala na sa anino ng amang si Gary V.

GUMAGAWA NA rin ng kanyang sariling pangalan sa music industry si Paolo Valenciano, the eldest son of Mr. Pure Energy Gary Valenciano and Angeli Pangilinan. He is the frontman of the rock band Salamin.

Dahil sikat ang kanyang ama ay hindi maiiwasan na madalas naikakabit ang pangalan ni Paolo kay Gary. Aminado si Paolo that there’s pressure being the son of Gary dahil naikukumpara silang dalawa. “People will always compare me to him. People will always say I’m not as good as him, people will put me down,” Paolo said. Pero kahit saang anggulo mo pa tingnan, Paolo will always be Gary’s son.

Hindi raw siya nagpapa-apekto sa mga ganitong klase ng intriga. “They can say all these things about me pero Gary V is my dad. How cool is that? Okay na ako.”

May kasabihan nga na kung ano ang puno ay ganito rin ang bunga. Since Gary is multi-talented, hindi nakapagtataka na magmana sa kanya ang mga anak. Kung si Paolo ay piniling sundan ang yapak ng kanyang ama sa pagkanta, si Gab naman ay humahataw sa dance floor. Magkasama tuwing Linggo sina Gary at Gab sa ASAP.

Paolo’s band Salamin is trying to penetrate into the music scene. Aminado si Paolo na hindi ito madaling gawin pero hindi sila titigil ng kanyang banda from doing what they are passionate about. In fact, Salamin was invited to the C-Winter Festival in Buncheon, South Korea. Kuwento niya, “The culture is very different. Kung dito ‘pag nag-e-enjoy ang mga tao ‘Woohoo!’ Doon, ganito lang (tame clapping). It was an amazing experience to actually see stuff like that.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

3 thoughts on “Paolo Valenciano, kumakawala na sa anino ng amang si Gary V.

  1. hoy HALIPAROT, ang puso mo! hahahaha lahat ng comment ko dito sa pinoy parazzi against ka or may negative feedback sa akin, hahahaha. tanga ka ba o sadyang bobo lang? hahahaha (violent reaction na naman yan!hahahaha) kaya nga may comment box dito eh para makapagcomment ang mga readers nitong site either negative or positive man ang mga ikinocomment, kung gusto mo ng mala anghel at puro positive at walang freedom of speech (lalim!) na mga comment, pumunta kang PEP.Ph .. hahahahaha. wag ka masyado affected sa mga comment ko teh! hahahahahaha 

  2. another garyv. wannabe, kahit kelan hindi nila (gab at paolo) mapapatanyan ang kanilang amang si gary. baka naman hambog at impokrito rin itong paolo na ito gaya ni gab? wag naman sanang matulad kay gab itong gary v. wannabe. paolo kung nababasama mo man ito, hahahaha, wag kang gumaya sa kapatid mong si gab na hambog at puro yabang eh wala pa namang maipagmamayabang, be humble at wag maging gab na impokritong wannabe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.