Premiere Shots: Paolo Rivero at Janvier Daily: Kalaguyo ni Bayaw!

Isa ang erotic indie film na Bayaw sa listahan ng mga kalahok sa kauna-unahang Cinemalaya-NETPAC World Cinema Competition. Nagkaroon ito ng world premiere noong Hulyo 21 sa CCP Little Theatre. Ito ang ikalawang full-length film ni Monti Parungao na unang nakilala sa gay indie film na Sagwan.

Sa totoo lang ay naloka kami nang mapanood namin ang trailer ng pelikula. Hindi lang kasi basta hubaran o halikan ang laman ng pelikula. May pagtataksil, may takutan at may patayan pang naganap. Bakit nga ba Bayaw ang titulo ng pelikula? Nagkaroon kasi ng love affair ang magbayaw at dahil doon, sanga-sanga na ang mga kamalasang nangyari sa kanilang buhay.

Sina Paolo Rivero at Janvier Daily ang bida ng pelikulang ito. Si Paolo ay huli natin napanood sa pelikulang Daybreak katambal si Coco Martin. Si Janvier Daily naman ay lumabas sa pelikulang Roxxxanne kasama sina Sheree at Jay Aquitania. Naging kontrobersiyal noon si Janvier dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Ethel Booba at ang pagkalat ng kanyang nude pictures sa internet.

by Mica Rodriguez, Photos by Fernan Sucalit

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Premiere Shots: Paolo Rivero at Janvier Daily: Kalaguyo ni Bayaw!

Leave a Reply

Your email address will not be published.