Paolo Paraiso, nagulat sa pakikipagbalikan ni Mylene Dizon kay Ira!

HINDI MAN NANALO si Paolo Paraiso, 2nd place sa Medicol Advance –Winner Race for a Million, masaya pa rin siya dahil nakatulong ang aktor sa kababayan natin sa pamamagitan ng charity work. Natapos na pala ang contract niya sa GMA Artist Center, si Annabelle Rama na ngayon ang bago niyang manager. “Maganda naman ‘yung working relationship namin. Masaya naman ako sa Artist Center, kaya lang nag-iba ang priority ko, kasi gusto ko ‘yung may Nanay epek. Si Tita Annabelle, always a Mom to me so nagkaroon ng chance, ‘yun.”

Kinumusta namin kay Paolo ang relationship nila ni Mylene Dizon pagdating sa kanilang dalawang anak? “We are parents to our children, so ‘yun nag-uusap naman kami, kasi kailangan, Mommy at Daddy kami sa mga bata.”

Paano ang arrangement nina Paolo at Mylene when it comes to financial matter? “May monthly akong ibinibigay kay Mylene para sa mga bata, kasi Tatay ako. Mayabang akong tao kaya kailangang nagbibigay talaga ako. Responsibility ko ‘yun bilang Tatay kaya ‘yung finances ng mga anak ko, dapat sa akin ‘yun. ‘Yung mga bata kapag wala akong ginagawa, bumibisita ako roon, especially now busy si Mylene, ako hindi gaanong busy. Noong time na busy ako, once a week lang ako nakakapunta. Pero ngayon, napapadalas. Wala kaming restriction sa mga anak namin.”

Reaction ni Paolo sa karelasyon ngayon Mylene? Actually, nu’ng una ko siyang narinig, siyempre nagulat nang mabalitaan ko ‘yun. Nagulat talaga ako! In a way, expected ko na rin, close to five years na kaming hiwalay ni Mylene. So, walang masama du’n, I don’t take it… ‘yung iniisip ng mga tao? Kaibigan ko rin si Ira (Cruz).

Kahit walang karelasyon si Paolo, happy naman siya sa pagiging single. Paminsan-minsan, nakikipag-date daw siya, pero hindi niya hinahanap ang babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso. “Kung darating, lucky for me, kung siya na nga talaga!”

Knows kaya ni Paolo noong time na sila pa ni Mylene, may feeling pa rin ang ex-wife niya kay Ira Cruz? “Hindi ganoon ang situation nila. Sa kuwento sa akin ni Mylene, hindi ganoong klase. Nagkabalikan sila na parang nakilala nila ang isa’t isa. There’s a story to tell, wala akong kinalaman sa story nila. Noong una, na gulat talaga ako. Hindi ko alam, medyo confused ako. Hindi ko alam kung gulat or hurt ‘yun, initial reaction, pero basically wala.”

Madalas sabihin ni Mylene na gusto niya, iisa lang ang Tatay ng kanyang mga anak, comment? “Yeah, ewan ko hindi ko alam sa kanya. Kasi ang usapan talaga namin nang maghiwalay kami, noong simula parang joke lang siya. Magkakaroon ng anak sa isa’t isa, so joke siya. Pero na-realize namin, mas maganda ‘yung situation na kami ang parents. Hiwalay si Mommy at si Daddy kasi ganito, mga anak, si Daddy number one, si Daddy number two parang… ewan ko! Hindi ko ma-explain, pero it make sense to us. Sa aming dalawa, it make sense at that time, ‘til now it makes sense. So, kung walang nakakaintindi… ang importante, kaming dalawa nagkakaintindihan.”

Aware kaya ang mga anak nina Paolo at Mylene na hiwalay na sila at may bagong boyfriend na ang kanilang Mommy? “Aware sila na may boyfriend ang Mommy nila, at aware sila na si Daddy iba ang kasama. Na-explain naman namin sa kanila in our own little way ang sitwasyon namin. ‘Yung relationship ko sa mga anak ko, kung papaano ko nasasabi sa kanila… Siyempre medyo mahirap, pero na-gets naman nila.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.