Paolo Gumabao, sobrang naha-hassle sa makukulit na girls

Paolo Gumabao

Paolo Gumabao

Guwapo ni Paolo Gumabao. 17 years old. Kuya niya ang guwapo at macho na si Marco Gumabao na tulad ng ama nilang si Dennis Roldan, both boys are hunky at mga cuties.

Sa press launch ng pelikulang “I Love You to Death” nina Enchong Dee at Kiray Celis, nakilala namin si Paolo.

Ipinakilala siya sa amin n kanyang manager na si Manny Valera. “Guwapo ba?” tanong ni DMV sa amin,

Yes, mestisuhin si Paolo. Magkaiba sila ng appeal ng kanyang kuya na both ay malakas ang sex appeal.

Sa bagong rom-com/ horror movie na ito nina Enchong at Kiray na ipalalabas na sa July 6 mula sa Regal Films sa direksyon ni Miko Livelo, nakalabas na sa MMFF 2015 Regal horror movie na “Haunted Mansion” ang binata na currently ay loveless.

“I play the bad boy sa movie nu’n. Ako ‘yong bully sa group na unang pinatay sa grupo,” pagbabalik-tanaw ni Paolo sa naturang project niya with Janella Salvador.

Sa ngayon, zero ang lovelife ni Paolo. Kaya sa mga girls na aali-aligid sa kanya, he’s free and available.

“But not now. Hassle kasi ang girls na makukulit. Ayaw ko kasi ‘yong daming tanong. Lahat tinatanong like kung nasaan ako, ano ang ginagawa ko… mga ganu’n,” kuwento niya sa amin.

Ganu’n daw kasi ang last non-showbiz girlfriend niya. “Kaysa makapag-concentrate ako sa work, naaabala ako kapag may mga girlfriend na makukulit,” dagdag ni Paolo.

Tanong namin sa kanya kung meron na siyang malaking intriga at tsismis sa showbiz? Natigil siya. Parang nag-isip. “ Wala pa,” sabi niya.

Not even a sex video or photo na siyang kadalasan kinasasangkutan ng mga artistang lalaki? “Wala akong ganu’n. I’m sure wala. Kung meron man, ide-deny ko dahil I know hindi ‘yun totoo. Sigurado ako in-edit ‘yun” panigurado niya sa amin.

Ang kapatid niyang si Marco nga may nude photo na kumalat sa Internet. “I’m sure hindi siya ‘yun,” depensa niya sa kanyang kuya. I know, hindi siya yun,” paniguro ni Paolo sa amin.

“Maingat ako sa mga ganun. I’m sure kung mangyari man ‘yun sa akin, edited ‘yun. I’m sure. Pero sigurado ako, ang dugo ko, Gumabao na Gumabao,” pagmamalaki niya na para sa mga beki, alam na nila ‘yun!

Kasabay ng promotion ng pelikula niya with Enchong and Kiray, may gay themed movie siya under Direk Joel Lamangan na “That Thing Called Tanga”.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.