Paolo Contis, tahimik sa tsismis sa kanila ni LJ Reyes

LJ-Reyes-Paolo-ContisASIWA NA magbigay ng pahayag si Paolo Contis tungkol sa rumored relationship nila ngayon ni LJ Reyes. Puro ngiti lang kapag ito na ang itinatanong sa kanya.

“Again, I’d like being private about that part of my life,” aniya.

Dati naman kapag tinatanong siya tungkol sa lovelife o personal life niya, hindi siya nangingiming magsalita o mag-share hinggil dito.

“Oo, nagsi-share ako. Kaya nakita mo… lahat disaster!” natawang biro ng aktor patungkol sa mga nakaraang relationships niya na nauwi sa hiwalayan.

“This time, I want it to be very private. Just to begin with, a… una sa lahat wala pa namang ikukuwento. So, I don’t want to preempt anything. At the same time, ayokong… dati ay naging masyadong open ako about my private life, but this time, hindi na. Basta we’re getting to know each other. Wala pang formal na anuman. E, baka mabulilyaso kapag masyado akong open. Oo. And siyempre marami pang ibang iniingatan. Hindi lang naman ‘yong… ako o siya, marami pang ibang mga aspeto ng buhay na kailangang ingatan namin. That’s why we just wanna be quiet. Well, it’s happier to be quiet honestly. Mas konti ang nakikialam. Mas konti ang nagmamarunong. So, mas okey.”

Ini-expect ba niya na bago sumapit ang Christmas ay may malinaw nang label ‘yong sa kanila ni LJ?

“Hindi ko alam!” natawang sabi na lang ni Paolo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.