Paolo Contis, problemado sa ina

MAY LUMABAS SA Startalk nu’ng nakaraang Sabado na interview kay Paolo Contis tungkol sa tampuhan pa rin ng kanyang Mommy.

Napanood pala ng Mommy niya ang interbyung ‘yun at mukhang matigas pa rin ito dahil hindi pa rin daw ito okay na magkaayos sila ng anak niya.

Miss na miss na ni Paolo ang Mommy niya at lagi raw niya itong kinukumusta sa Daddy niya. Kaya lang, wala pang lakas ng loob ang aktor na lumapit dahil kilala raw niya ang Mommy niya at alam niya kung kailan ang right timing para makipag-ayos.

Pero medyo okay na raw ngayon at tingin ni Paolo unti-unti nang lumalambot ang Mommy niya at very positive siyang malapit na silang magkaayos at tanggapin si Lian Paz na kasintahan nito.

Tuluyan na ngang hindi makababalik sa EB Babes si Lian dahil patuloy pa rin ang treatment sa kanya ng doktor dahil sa sakit nito.

Balak pa ni Lian na bumalik sa pag-aaral at meron na rin naman silang nasimulan na maliit na negosyo, kaya mukhang malabo na raw itong bumalik sa showbiz.

Marami ang humuhulang hindi sila magtatagal, pero hindi na lang ito pinapansin ni Paolo dahil lalong gumaganda raw ang kanilang samahan at lalong magiging okay raw sila kapag tanggap na sila ng kanyang Mommy.

NU’NG MAG-GUEST si Jomari Yllana sa Startalk para i-promote ang concert ng Marie Digby, hindi naiwasang tanungin ito sa nangyaring gulo sa 40th day ni Tito Douglas Quijano nu’ng nakaraang Huwebes sa Club Filipino.

Hirap na hirap si Jomari na sagutin ‘yun dahil isa siya sa nakasaksi at ayaw naman daw niyang magsinungaling.

Kahit siya ay nabigla bakit biglang uminit ang ulo ni John at napag-initan ang male model na ‘yun na si Logan Goodchild.

Narinig lang daw niya na medyo makulit na ‘yung model at naki-chummy-chummy na nga ito sa kasintahan ni John na si Priscilla Mereilles.

Nu’ng una kasi, medyo happy mood pa si John dahil inamin na nitong nag-propose na siya ng kasal kay Priscilla at napagkasunduan na raw nilang sa taong 2011 ang balak nilang pagpapakasal.

Bandang huli, medyo nairita na ito dahil nga sa nakita raw nito kung paano mangulit itong male model kay Priscilla. Pero siguro wala namang malisya ‘yun sa male model kaya lang medyo lasing na si John kaya iba na ang dating sa kanya. Hindi na ito nakapagpigil kaya nakatikim ng tadyak ang pobreng male model.

Isa sa umawat si Jomari at nu’ng oras na ‘yun, pag-aayusin na sana sila pero pinaalis na raw nila ang model  dahil hindi talaga maawat si John at gusto pa rin nitong sugurin ang naturang model.

Kaya malamang isa sa mga araw na ito magsasalita itong male model dahil magrereklamo daw ito laban sa aktor.

Tumawag na si John kay Kuya Ricky Lo at gusto na raw nitong magsalita para magpaliwanag. Hindi ko lang alam kung hihingi ito ng paumanhin sa naumbag niyang male model.

Ang hirap pa naman niyan, wala na si Tito Dougs na manager niyang lagi na lang gumagawa ng paraan para maayos ang mga ganu’ng gulo.

Abangan na lang at magpapa-interview ito sa Startalk.

By Gorgy’s Park

loading...

8 thoughts on “Paolo Contis, problemado sa ina

  1. paolo mtu2 k sng mahalin/irespeto at sumunod s iyong magulang.

    iisa lang ang ina pero ang asawa puedeng palitan

  2. Im just so upset with John, I thought his a good family man. Leaving Janice was that easy for him,Naniniwala ba kayo sa karma, I know God is watching us. Makakarma din sila…

  3. si john estrada kasi ginagawang pang display ang girlfriend nya. kesyo maganda at seksi at foreigner pa. napaka over possessive. ok fine wala syang tiwala sa lalaki pero sana sa gf may tiwala sya. di naman siguro yun papabingwit sa ibang lalake nang basta2. nakakahiya sya. skandaloso. sana mag break sila.

  4. nagkasakit din ako noon kagaya nang kay lian pero im still working, kaya naman ah! i had to take the medicine for 8 mos and ok na, yan sa kanya sobrang OA sya, baka buntis tlga, OA nman kala mo kung sinong maganda pwe!

  5. Sorry ha, pero anong klaseng cyst iyan na di na siya makababalik sa showbiz? At anong klaseng treatment ang kinakailan ng benign ovarian cyst na pumipigil kay Lian sa pag-aartista? Napakalaking kalokohan naman nito. Unless ovarian cancer na kinakailangang chemotherapy, walang sakit sa ovary na ganun na lang pagka-OA sa mga di pwede.

    O baka yung ovarian cyst na yan ay yung niluluwa pagdating ng siyam na buwan?

  6. Mukhang wala pa ring nagbago kay John Estrada. Kanto boy at barumbado nung nag umpisa sa pag-aartista, at ganoon pa rin ngayon. Too bad money can’t buy you class.

  7. john E. masyado ka namang seloso at over protective sa Gf mo, ano ba magagawa mo sexy and pretty ni priscilla, in fairness gwapo ka pa rin naman, sobra kang insecure…

Leave a Reply

Your email address will not be published.