Paolo Contis, pinataob na sina Boy Abunda at Kris Aquino?!

TUWANG-TUWA SI PAOLO Contis at nagpasalamat siya thru text messaging na tinalo ng kanyang Outrageous Courageous, na hino-host sa Bilib Ka Ba Nights every Tuesday, ang SNN.

Me gano’n, ‘di ba? Sa Mega Manila ratings ito. Pero sa nationwide ratings, panalo naman ang SNN.

Para hindi malito ang mga tao, lalo na ang mga fans na sumusubaybay sa mga ratings-ratings na ‘yan. Laging panalo sa Mega Manila ratings ang mga shows ng GMA-7. Ang Mega Manila, buong Metro Manila at mga karatig na probinsiya.

Kinumisyon ng GMA-7 ang AGB Nielsen para mag-survey. Ang alam namin (puwedeng mali rin naman ang nalaman namin), kinumisyon din dati ng ABS-CBN ang AGB Nielsen.

Pero dahil tila nagkaroon ng isyu noon na me “bayaran” at “suhulang” nangyayari, eh, bumitaw ang ABS-CBN sa AGB Nielsen (Is this really true?), eh, ang nagko-conduct na ng survey na de metro ay ang TNS na buong Pilipinas naman ang sakop.

At sa TNS nationwide ratings, lampaso naman ng ABS-CBN ang GMA-7. Kaya kung mapapansin ninyo, dalawang magkaibang ratings ang lumalabas sa mga diyaryo. Na ewan kung ikinalilito ito ng sambayanang pipol.

Kami naman, ang katuwiran namin dito, ikaw ang may hawak ng remote control ng TV set mo. Ikaw ang may choice kung sa aling programa o istasyon mo ipipirmi ang iyong remote control, kaya ikaw ang may sey kung alin sa mga istasyon ang feeling mo’y nangunguna.

Gano’n lang ‘yon.

NAGKAROON NG MARATHON airing ang buong unang linggo ng Adik Sa ‘Yo nu’ng Sunday. Ito raw ay due to insistent public demand.

Pero isang GMA insider ang aming kausap. Ang sabi, hindi masyadong pumalo sa ratings ang show na ito nina Dennis Trillo, Jolina Magdangal, Marvin Agustin at ‘yung anak ni Jean Garcia na si Jennica.

Hindi naman kami maka-relate, dahil hindi kami nakakapanood ng mga primetime shows, kasi nga, lagi kaming nasa labas.

Pero sabi pa rin ng aming GMA insider, “Ewan ko ba, Gie, kung sino’ng nakaisip na pagtambalin uli sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Juice ko, kahit ang mga jologs, hindi na nila ma-take ang kabaduyan ng dalawang ‘yan.”

Uy, grabe naman ‘tong kausap namin.

“Sa totoo lang, sino naman ang kikiligin sa isang loveteam na halos magkasing-height lang?”

NAKU, ME NAKAUSAP pa kaming isang tao. Pinagkakautangan din pala ito ng isang inactive actress na controversial din.  “Wala pang milyon, pero siyempre, mare, ang utang ay utang.

“Juice ko, pinaghirapan ko naman ‘yon. Kaso, ang gagawin naman niya, iiyakan ka lang at wala raw siyang pera talaga.  Pero ang nakakalokah du’n, ‘pag me mga okasyon sa buhay niya, grabe siyang magpa-party.

“Ano ‘yun? Me panggastos s’ya sa party, pero pambayad ng utang, wala?”

At dagdag pa ng aming kausap, “Ang nakakalokah pa du’n, siya na nga ang may utang at hindi na nakakabayad, ‘pag nag-away pa kayo, ikaw pa ang may kasalanan sa kanya at ikaw pa ang palalabasing may utang sa kanya.

“Hindi ba naman at nakakalokah siya?”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “Paolo Contis, pinataob na sina Boy Abunda at Kris Aquino?!

  1. Pangalanan mo iyong source mo sa GMA7, dahil hanggat nagtatago ka sa according sa isang source; kasinungalingan iyan!

    Nag-i-start pa lang naman iyong Adik sa Iyo, at ang interaction nina Dennis at Jennica ay konti pa lang naman, at hindi pa mga kilig scenes; kaya di pa nagwo-work-out ang chemistry nila masyado as loveteam. Kaya lang, pansin ko na medyo exag at pilit pa ang mga comedy scenes, kaya medyo corny ang dating (lalo na scenes ni Jolina at Marvin). Sana medyo i-mellow, para mas maging natural. Huwag na rin lagyan ng pa-cute scenes sina Jolina at Marvin, pangit ng tignan (iwan na lang kay Dennis at Jennica iyon). Pero knowing Direk Joel Lamangan, nagwa-warm-up pa lang itong Adik sa Iyo, at papaganda na ito ng papaganda!

  2. Marvin-Jolina tandem pinaglumaan na ng panahon nakakasawa na mga mukha nila sa TV,gasgas na loveteam na eto.At ang anak ni Jean Garcia pinartner nila kay Dennis Trillo para magkaroon ng buhay yung career kc dun sa dati niyang ka loveteam malamya yung lalake at mukha talagang totoy pa! Siguro kaya nagkaroon ng marathon ang ADIK SA’YO kc ni request ng mga ADIK sa metro manila!hehehe…

  3. Hindi si Paolo Contis kundi si marvin Agustin ang host ng Outrageous and Courageous! Ang huling show na nag host si paolo sa GMA ay ” My dad is better than your dad!”

    • Haha nakakatawa ka, halatang kapamilya c ogie? Eh ikaw di ka halatang kapuso! C paolo na ang bAg0ng host! Tanga ka, haha kaAngas mu mali mali ka naman!

  4. pls. lang wag lituhin ang taungbaya sa mga RATINGS-RATINGS nayan!

    kung ipa-flush man sa TV ng PAULIT-ULIT dapat maliwanag kung saang lugar kinuha ang RATINGS!

    pls lang! dapat lumaban ng patas!

  5. My dear readers,
    Please pakisabi sa mgmt ng eat bulaga, vic sotto or Wilma Galvante na alisin na si pia guanio sa eat bulaga.
    ang pangit-pangit, maarte na at kung makadamit, parang feeling beautiful.
    At napapansin niyo ba kung paano niyang isnabin si Pauleen, kasi beauty si Pauleen. Eh si Pia, mas maganda pang di hamak si Ruby.
    Please, you are not Ruffa Gutierrez, Kris Aquino or ruffa mae quinto. ang beauty mo-pang palengke lang.
    at take note-walang katalent-talent -pag nagpainterview-puro AHHH at hindi marunong magingles, ang sakit sa tenga ang boses-parang truck na nawalan ng brake.

  6. preatty kizz
    wala kang mgawa s buhay
    2malon k s tulay….
    ang taong punong puno ng kasayahan s katawan
    kapag nka2pnira ng kapwa
    wala s article ang pinagsa2bi…ibig sbihin daig kpa ng bao ng buko dhl un may laman kht pa2ano
    ikaw kya
    buwahahahahaaaa

    bakero…baka onna/otoko!!!!!

  7. Jolina magdangal nung love ko si babes, gimik, at jolina ngay0n ay iisa. Walang pagbabago. Kissing scene lang n parang npakalaking achievement na nya. Kelang ang love scene pag 60 y/o na sya? Chuva chu chu jolens. Ganun din si marvin. Mga pa cute ever. Wala ng dating.

  8. dpat kc hndi na bnbgyan cla jolens ng patweetums na role! wla na ung kilig moments sa knila n marvin. bkit d sya bigyan ng show na magpaptunay na artista tlga sya! ung my emosyon like mga role ni sunshine dizon db!..

Leave a Reply

Your email address will not be published.