Paolo Contis, nagtino dahil sa paparating na baby! – Gorgy’s Park

SA MARSO PA manganganak si Lian Paz pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nang husto ni Paolo Contis ang kanilang magiging baby. Inaayos na ang baby shower nito at nagpalagay na ito ng gift registration sa Rustan’s para sa mga gustong magbigay ng regalo.

Aminado ang aktor na ang laki nang ipinagbago niya ngayong nalalapit na siyang maging ama. Sa halip na kung saan-saan nito ginagastos ang pera niya, ngayon ay buhos sa kanilang magiging baby girl na papangalanan daw nilang Xonia Aitana.

Kapag wala itong trabaho, nag-iikot ito sa mall para mamili ng mga magagandang gamit para sa baby. Gusto man daw niyang magtipid, hindi niya magawa pagdating sa gamit ng bata.

Pagdating sa binyag ay talagang pinaghahandan na niya ngayon dahil gusto man niyang bonggang-bongga ito, kinukunsider pa rin niyang hindi sila gugutumin pagkatapos ng binyag.

Pero sa ninong at ninang pa lang ay mukhang waging-wagi na rito ang baby dahil pawang madadatung ito. Kasalanan daw ba niya na pawang madadatung at bongga ang mga close friends niya?

Ilan sa mga nagkumpirma nang tatayong ninong at ninang ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Claudine Baretto, Raymart Santiago, Direk Dominic Zapata, Benjie Paras, Jinkee Pacquiao at Joey de Leon.

Inalok din ni Paolo na mag-ninang ang manager niyang si Manay Lolit Solis pero tumanggi ito dahil lola na raw siya. Dapat sa kasal daw siya mag-ninang na in-assure naman ng aktor na kasalan na ang kasunod nito.

Pero sa ngayon ay focused muna sina Paolo at Lian sa kanilang nalalapit na baby at sa katunayan, ipina-tattoo na ni Paolo ang pangalan ng baby nila sa may likod nito. Bumili pa ito ng gadget na camera na kung saan 24/7 na nakatutok sa kanilang baby para ma-record daw nito ang lahat ng firsts na gagawin ng baby. Baka hindi raw nila ito makunan kaya mabuting may nakatutok na itong camera.

Ganu’n kahanda si Paolo sa pagiging ama niya at nagpapasalamat ito dahil ang laki nang pagtino nito ngayong nagbago na ang takbo ng buhay niya.

CONGRATULATIONS SA MAINIT na loveteam na Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil mataas ang rating ng pagsisimula ng bagong telefantasya nilang The Last Prince.

Nu’ng nakaraang Lunes ay lumaban ito nang husto sa katapat nitong dalawang malaking programa ng ABS-CBN 2. Nakakuha ito ng 30.9 rating at ang katapat nitong Dahil May Isang Ikaw ay 31.9 dahil sa magtatapos na ito ngayong linggo. Pero tinalo nito nang konti ang isa pang katapat na PBB, kung saan nakakuha ito ng 30.2 rating.

Proven nang malakas ang mga nabanggit na programa ng Dos pero lumaban dito ang The Last Prince na mukhang susubaybayan nang husto dahil maganda ang pagsisimula nito.

Kaya pursigido si Aljur na magpaganda pa lalo ng katawan dahil laging nakahubad ito at para mapanindigan na rin ang pagiging hunk nito.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Paolo Contis, nagtino dahil sa paparating na baby! – Gorgy’s Park

  1. maling mali ang title ng fantaseryeng tle last prince, kasi ang slant ng publicity ay yung ganda ng katawan yung umbok at kung ano anong kalaswaan ang ibinabando ng gma, tingin nila lahat ay bakla ang mga tao sa pilipinas. kaya dapat ang title nya THE LAST PORNO PRINCE/KING at least it will justify yung ginagawa ng gma sa publisidad na ginagawa nila di ba.

    • I’m sure na Kapamil-yucks ka! Inggit ka lang, at nag-hit ang the Last Prince. Eh ano naman kung nagpapaganda ng katawan si Aljur? Palibhasa, luwa siguro iyang tiyan mo, ano!?

      • hidni para sa sarili kong kapakanan ang iniisip ko, bakit ko naman kaiingitan si aljur. hindi naman ako magbebenta at magbibilad ng katawan para kumita. saka. para sa mga bata ang nasa isipan ko at hindi katulad mong baklang titi lang ang iniisip.

    • Hindi lang bakla ang nag-oobjectify ng mga lalaki, ‘no? Pati babae din. Get with the times. lolz

Leave a Reply

Your email address will not be published.