Paolo Contis, hiniwalayan na si Lian Paz!

HAY, NAKU! Natuluyan na rin pala ang pakikipaghiwalay ng alaga kong si Paolo Contis kay Lian Paz. Nakapanghihinayang naman dahil nakikita ko namang maganda ang pinagsamahan nila nu’n.

Nakikita ko ring malaki ang ipinagbago ni Paolo nang sila na ni Lian, na hindi ko nga akalaing pakasalan niya ito. Ang cute pa ng dalawa nilang anak na pinag-uusapan pa noon na binabalak na nilang magpakasal sa simbahan ngayong taong ito o baka next year.

Si Lian ang unang nagsalita nu’ng nakaraang presscon at kinumpirmang nakipag-hiwalay na sa kanya si Paolo. Hindi raw niya alam ang tunay na dahilan, basta naging madalas na nga raw ang pag-aaway nila sa iba’t ibang bagay.

Nitong pagpasok daw ng 2012, iba na ang pakikitungo sa kanya ni Paolo na parang malamig na ito. Wala naman daw third party involved, basta nawalan na raw nang pagmamahal sa kanya si Paolo.

Ako naman, tingin ko diyan may ibang dahilan pa na mas malalim pa. Pero tahimik lang muna si Paolo sa ngayon, alang-alang sa kanyang mga anak.

As of presstime, alam kong merong inaayos na interview ang Startalk kay Paolo kaya abangan n’yo na lang bukas.

Nakaalis na rin kasi si Paolo pa-Amerika para sa Manny, Many Prizes at sana nga mag-usap sila nang masinsinan ni Manny.

Dumaan din noon sa problema ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na naayos naman nila. Sana may maitutulong siya sa bestfriend niya.

Hindi pa nga kami nagkakausap ni Paolo. Siguro pagbalik na lang niya galing Amerika.

 

NAGPA-PRESSCON PALA si Gov. ER Ejercito para kay Nora Aunor nu’ng pagdating nito galing sa Venice International Film Festival.

Parang thanksgiving daw ‘yun sa tagumpay roon ni Nora at ng pelikula nilang Thy Womb na entry sa naturang international filmfest.

Ang daming napag-usapan sa presscon na ‘yun, pero naaliw ako roon sa isang interview kay Nora tungkol sa ginawa raw ni Georgina Wilson na pinaglaruan ang Superstar sa kanyang Twitter account.

Inilabas daw ni Georgina sa Twitter niya ang seksing litrato niya na pinalitan ng mukha ni Nora. Parang pinagla-ruan niya na ikinagulat ng mga Noranians, kaya tinira siya nang husto.

Tinanggal naman niya agad, pero nandu’n na kaya hiningan ng reaksyon si Nora tungkol dito.

Sabi naman ng Superstar, kung ‘yun daw ang ikinasisiya ng ibang tao, wala na siyang magagawa. At least kahit papa’no, sumeksi raw siya sa litratong ‘yun.

Siyempre, hindi na lang papatulan ‘yan ni Nora. Pero sa totoo lang, hindi niya kasi kilala si Georgina, kaya keber ba niya. Pero si Nora, kilalang-kilala at kahit ano pang pinagdaanan nito, hindi dapat ganu’nin si Nora na itinuturing namang isa nang legend sa ating showbiz industry.

Dapat kasi mag-ingat sila sa mga inilalabas nila sa mga Twitter-Twitter nila, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Paolo Contis, hiniwalayan na si Lian Paz!

  1. sobra naman mga judgemental kau! dahil lang si paolo nakipaghiwalay sya na agad babaero? eh kung malaman nyo kaya na social climber kasi si lian kaya sya hiniwalayan. Materyolosa kaya kahit di ka kaya ng asawa nya pilit sya nakikipagsabayan sa shopping kay ……

  2. tama si lolit solis mas malalim ang dahilan. isa etong broken marriage. based sa facts na sinabi ni lian sa interview I know that there is other woman in paolo’s life kaya nawala ang pagmamahal nya kay lian. once a cheater always a cheater. ang ganitong lalaki ay walang respeto kay God ,sa marriage, sa vows, asawa, anak at sa in-laws at lalo na sa sarili nya. sad for the babies. PAOLO= BASURA

  3. Bakit mo hiniwalayan si Lian Paz,, Napaganda pa naman nya…Sa Showbiz daming Buitreng manyakis na nanalo ng asawa tingnan mo na lang si Jodi Sta Maria kahihiwalay lang nadagit na kagad ni Buitreng Jolo Revilla… Nex week lang may kapalit ka na Paolo. Ha ha ha ha ha .Delikado kay Gov. yan si Gov. Sabit Singson

Leave a Reply

Your email address will not be published.