Paolo Contis clarifies issues with Marian Rivera and his refusal to do ‘Amaya’

NAKIPAGKITA NA PALA si Rhian Ramos kay Atty. Lorna Kapunan para pag-usapan itong isyu nila ni DJ Mo Twister.

Kuwento ng ilang associates ni Atty. Kapunan, nu’ng unang punta raw sa kanila ni Rhian, kitang-kita itong sobrang apektado. Pero nitong mga sumunod niyang punta ay okay na raw at ang tingin daw nila parang nakalaya na ito.

Kasi naman dati ay parang nakakulong lang daw ito kay DJ Mo at ngayon lang siya nakatikim ng sinasabi nga nilang freedom. Ngayon daw ay nag-enrol ito sa Yoga at isang kursong may kinalaman sa fashion.

Nu’ng Huwebes lang talaga nagharap sina Atty. Kapunan at Rhian.

Ang sabi naman ni Atty. Kapunan, tingin naman daw niya hindi na aabot ‘yun sa demandahan. Kaibigan daw nito si DJ Mo at tingin naman daw niya, wala na itong gagawin na ikasisira ni Rhian.

Sabi nga niya sa interview sa kanya ng Startalk: “We are hopeful that this matter will be settled and will not be again be enlarge out of proportions. Sana on the part of both sides, mag-cool down muna sila, kasi ganyan ang mga magkasintahan o magka-live-in, ‘di ba? As if the whole world or the whole argument becomes their world.”

Susubukan daw nilang mapag-ayos ang dalawa at tumigil na sana si Mo sa katu-tweet ng tungkol sa kanila ni Rhian dahil maaring makaapekto ito sa young actress lalo na sa kanyang showbiz career.

 

GUSTO KO LANG klaruhin nga pala ang naglalabasang kuwento ng ‘di pagkatuloy ng alaga kong si Paolo Contis sa Amaya.

Ang sabi, hindi lang daw talaga type ni Paolo ang role. Pero sa totoo lang, hindi raw nito type na makatrabaho si Marian Rivera.

Maling-mali talaga iyan. Matalik na magkaibigan sina Dingdong Dantes at Paolo at close na rin ito kay Marian.

Kapag may time, dumadalaw si Dingdong kina Paolo dahil inaanak nito ang panganay nina Paolo at Lian Paz.

Kasama si Marian at tuwang-tuwa itong inaalagaan ang anak ni Paolo. Walang karekla-reklamo si Paolo kay Marian at magkasundo sila sa trabaho.

Magkasama pa nga sila sa Show Me Da Manny, kaya paano naman nila sasabihing ayaw makatrabaho ni Paolo si Marian.

Ang iba talaga, basta masiraan lang si Marian nandadamay pa ng ibang tao.

Ang dahilan talaga kung bakit hindi na natuloy si Paolo, hindi siya kumportable sa role.

Lagi itong nakahubad, eh ang taba niya ngayon. Hindi pa raw siya handa na lumabas na ganu’n ang katawan niya.

Hindi naman puwedeng hintayin siya ng Amaya hanggang sa pumayat ito.

Meron pa ngang ibang programa na binibigay sa kanya ng GMA-7, pero tumanggi rin ito dahil magpapapayat daw muna ito.

Kararating lang niya ng Amerika at karirin na niya ang pagpapapayat para puwede na siyang magtrabaho uli.

Huwag na lang sanang sirain ang friendship nina Marian at Paolo lalo na ang kay Dingdong, ‘no! Hay naku!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Paolo Contis clarifies issues with Marian Rivera and his refusal to do ‘Amaya’

  1. lahat na lng ng paninira ibinabato kay marian…..iyan ang senyales ng supersikat wala ng makitang ibang kasing sikat ni marian………..mga bayaran ng abs yan…kasi walang sikat sa mga artista nila na kasing sikat ni marian…

  2. ha ha ha tagalugin mo na lang manang sakit sa ngipin ng english mo … ha ha ha ha …>!!!!

  3. naloka ako sa ingles mo ineng !!! gayahin na lang si marian… wag mag-ingles kung trying hard na nga eh, mali-mali pa ang grammar !!! buti pa si yan, di trying hard at nagpi-feeling !!!

  4. says who? u??? I doubt it…!!!! as far as i know of all the 10 things u says, 1 is not even sure was true!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.