Paolo Contis, BAD INFLUENCE on Lian Paz?!

By Gorgy’s Park

Pansamantalang tumigil muna si Lian Paz sa pagsasayaw sa EB Babes dahil sa payo ng doktor na kailangan daw niyang magpahinga.

Minsan sa isang out of town show ng EB Babes, nakaramdam daw si Lian nang pagkahilo at muntik na itong himatayin.

Tuloy pa rin daw si Lian sa pagsasayaw kahit masama na ang kanyang pakiramdam. Madalas daw itong nakaramdam nang pagkahilo kaya napagdudahan tuloy na buntis ito. Pero hindi naman pala, pero pinagsabihan na raw ito ng kanyang doktor na magpahinga muna dahil sa mahina ang kanyang katawan.

Hindi nga lang maganda ang dating nito kay Lian at pati na rin kay Paolo dahil ang dating, parang naging bad influence ang aktor sa naturang EB Babe dahil magmula nang naging sila, napapadalas ang pag-absent ni Lian sa Eat Bulaga.

Ngunit mas concern si Paolo sa kalusugan ni Lian kaya hinahayaan na lang niya ang mga hindi magagandang komento laban sa kanilang dalawa.

Masaya ang magkasintahan sa kanilang relasyon, pero ramdam pa rin namin kay Paolo ang kalungkutan dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya naipakilala si Lian sa kanyang pamilya.
Ang latest na narinig ko, hindi pa rin daw sila nag-uusap ng kanyang ina at alanganin pa rin itong dalhin si Lian sa kanilang bahay.

Hindi gaya ni Isabel Oli na may komunikasyon pa rin daw ito sa Mommy ni Paolo, at obvious namang mas type nila ito kesa kay Lian.

Hindi pa rin tanggap ng pamilya ni Paolo si Lian dahil sa ‘di magagandang balitang naririnig nila laban sa dalaga. Pero nandiyan pa rin si Paolo sa tabi ni Lian para ipagtanggol ito. Unfair naman daw kay Lian sa mga ibinibintang sa kanya. Sana bigyan naman daw nila ng pagkakataong makilala ito bago siya husgahan. Kaya sa patuloy na panghuhusga kay Lian, lalo itong minahal ni Paolo at nangakong ipagtatanggol niya ito at hindi iiwan.

Minsan, biniro ko si Paolo na baka itakwil na siya ng pamilya niya dahil kay Lian. “Parang ganu’n na nga,” ang sagot nito sa akin.

“You and Me Against the World” ang drama nina Paolo at Lian at haharapin daw nila ito alang-alang sa kanilang pag-iibigan.

Ang korning pakinggan, pero ganu’n talaga! In love, eh!

PHOTOS BY LUZ CANDABA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.