Paolo Contis at Lian Paz, sinisira ng ilang kaibigan ang pagsasama?!

KUNG MATUTULOY ang binabalak ni Alfred Vargas na church wedding nila ni Yasmine Espiritu sa susunod na taon, bale dalawang alaga ko pala ang ikakasal sa taong ‘yun.

Ito kasing si Paolo Contis, nagpahayag na ring balak din daw nila ni Lian Paz na magpakasal sa simbahan sa susunod na taon. Pangako niya raw kay Lian ‘yun, nagkaroon na pala sila ng civil wedding ilang taon nang nakakaraan.

Hindi naman kailangang ipangalandakan ‘yun ni Paolo. Wala lang daw may nagtatanong sa kanya kaya tahimik lang sila ni Lian. Pero ilan sa mga taga-GMA-7 ay hindi na raw sila nagtatanong dahil nakikita naman daw nila ang wedding ring nito. Ako naman, walang napapansin kaya malay ko ba!

Nu’ng nag-celebrate sila ng kaarawan ng dalawang anak nilang sina Xonia at Xalene nu’ng nakaraang Linggo, natanong ito sa kanila ni Lian ng Startalk at inamin naman nila. Hindi na lang nila idinetalye ang tungkol sa civil wedding na ‘yun, basta matagal na raw silang married, bago pa yata ipinanganak ni Lian ang pa-nganay nilang si Xonia.

Doon sa interview ng Startalk, nag-i-emote itong si Paolo dahil meron daw mga itinutu-ring niyang kaibigan na parang gusto pang sirain ang pagsasama nila ni Lian. Tinawag niyang parang mga buwitre ito na parang nag-aabang lang na magkaproblema sila ni Lian.

Naku! Tanungin ko nga si Paolo ‘pag magkita kami dahil may mga naririnig din ako kung sino itong mga kaibigan na tinutukoy niya.

Eh, sa kadaldalan pa naman ni Paolo, tiyak na magsasalita ulit iyan kung sino itong mga kaibigang tinutukoy niya.

 

SI RHIAN Ramos na lang ang hinihintay ng mga reporters na magpa-presscon dahil nagtataka raw sila bakit wala ito sa presscon ng pelikula niyang My Kontrabida Girl.

Alam ko, nakahanda naman si Rhian na humarap sa mga reporters, kaya siguro tatawag din sila ng presscon ‘pag malapit na ang March 14 na showing ng pelikulang ito.

Actually, nai-interview naman si Rhian sa ilang events at okay naman siya, kaya sana nga makabalik na talaga siya nang maayos sa pamamagitan nitong pelikula nila ni Aljur Abrenica.

Marami naman ang na-impress sa trailer nito. Kaya sana nga, maganda ang kabuuan ng pelikula dahil marami ang nagkakainteres na panoorin ito.

‘Yun lang naman ang hiling ng mga taga-GMA Films na tangkilikin itong My Kontrabida Girl para masasabing tanggap na ang pagbabalik ni Rhian.

Sana bigyan naman natin ng isa pang pagkakataon. Lalong gumanda pa naman ngayon si Rhian. Sana nga tangkilikin itong pelikula nina Rhian at Aljur.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Paolo Contis at Lian Paz, sinisira ng ilang kaibigan ang pagsasama?!

  1. asus,,,paolo,,hindi ka na yummy looks,,kaya sino namang weirdo and nag-aabang sa laos mong looks!!!

  2. alam mo kung sino ka mang hunghang ka d ka talaga tumitigil na pagsalitaan si marian nang masasakit,baka ikaw ang papalit palit nang lalake d si marian,,,buhay kapa sinusunog na sa impyerno yang kaluluwa mo,na  ke marian ang atention nang lahat kc napaka ganda nya!  inggit ka,,,..pihado napaka pangit mo kaya galit ka sa maganda

  3. hay naku mukha namang walang kalatuy latoy yang movie ni rhian…d na sya maganda tignan…di na bagay sa kanya ung mga pa cute na arte..dapat na role sa kanya ung mamamatay bata!

  4. Si Marian Rivera nga yan. Mahilig yun magpalit ng lalake. Gusto nya lahat ng atensyon sa kanya. Mahilig din sya pumatol sa may anak na kita mo si Dingdong di ba? Di na talaga makuntento tong si Marian.

  5. Me presscon Nga pro banned nman daw anong ang abortion issue!!! Bsta aq d aq manonood ng
    Khit anong movie o teleserye nyan ni rhian till she clears her name regarding the abortion controversy….

  6. wala nang pag asa si rhian, hindi na sya sisikat or sumikat ba sya? ah dahil sa abortion issue. hindi tanga ang mga manonood kaya for sure flop ang pelikula nila. pagsamahain ba naman ang super negative female artist these day na si rhian ramos at ang walang kabuhay buhay at parang kahoy umakting na si aljur abrelata? walang walang, magrerely na lang sila sa story ng pelikula at hindi sa mga walang kawenta kwentang mga lead stars.

  7. LMAO si Jeric Raval. Sa dami daming pwedeng i-accuse si Marian pa. Eh very close sina Marian at Paolo. Ninang pa ata sya ng 2nd anak ni Paolo. Naka-trabaho na nya sa SMDM, Tadyang, Darna, at ngayon sa My Beloved.. Bestfriend rin sya ni Dingdong. Patawa ka tsong.. hehehehehe… 

  8. Two things: Number 1, si Marian Rivera ang sumisira sa relasyon nila Paolo at EB babe Lian. Kaibigan sya dati ni Paolo at alam naman ng lahat na may gusto sya kay Paolo nung child star pa lang to. Eh mas sikat naman tong anak ni Babalu kesa kay Dingdong di ba? Si Marian talaga di na makuntento, homewrecker na ngaun.

    Number 2. Wala nang pag asa tong si Rhian Ramos. Kung ako sa kanya, magretiro na sya at kung ako sa GMA ipull out na nila ang pelikulang yan. Walang puwang sa showbiz ang abortionista, hindi magandang halimbawa. Ewan ko ba bakit pinipilit pa eh, andami namang mas maganda at mas magaling umarte jan na deserving ng break. Rhian, balikan mo na lang ulit si Mo Twister!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.