Paolo Contis at Lian Paz, excited na sa baby! – Lolit Solis

ABANGAN N’YO ANG selebrasyon ng 14th anniversary ng Startalk namin bukas dahil talagang pinaghandaan ito nang buong staff at siyempre kaming lahat na host.

Ilan sa mga pamatay na isyung pang-anibersaryo namin ay ang isyung pagbubuntis ni Lian Paz na sinagot na nga nila ni Paolo Contis nang in-interview ito ni Paolo.

Live guest namin si Lian para ikuwento ang pagkikita nila ng ina ni Paolo at kung paano siya tinanggap ng pamilya.

Kaya sila lumabas at inamin na ito ay dahil may mga naglalabasan pang isyung ayaw raw ito panagutan ni Paolo. Sinagot na nila ito lahat kaya abangan nyo na lang.

Ang isa pang nakaaaliw na kuwentong mapapanood ‘nyo sa Startalk anniversary bukas ay ang panayam ni Butch Francisco sa magbiyenang Mommy Dionesia Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

[ad#post-ad-box]

Sinadya sila ni Butch sa Gen. Santos City at bongga pala doon ang ipinapatayong negosyo ni Jinkee.

Aliw ang panayam kay Mommy Dionesia nang ikuwento nitong marami raw siya ngayong manliligaw.

Mula 51 years old hanggang 25 years old daw ang nanliligaw sa kanya at kinikilabutan daw siya kapag merong nag-a-I love you na bagets sa kanya.

Naramdaman naman daw niya kung ano ang pakay ng mga ito kaya hindi na ito pinapansin ni Mommy Dionesia.

Masaya na raw siya ngayon sa buhay niya kasama ang mga apo niya kaya bakit pa raw siya maghahanap ng sakit ng ulo.

Kahit sina Manny at Jinkee ay ‘di rin pabor na mag-asawa uli si Mommy Dionesia kaya mabuti na ‘yung pa-ballroom ballroom na lang siya.

Meron ding exclusive interview si Ricky sa magkapatid na Kris Aquino at Sen. Noynoy Aquino. Hindi naman halos lahat sa pulitika ang pinag-usapan nila kundi ang lovelife ni Noynoy na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at iniiwasan niya itong pag-usapan.

Marami pang mga kuwentong aabangan n’yo sa aming anibersaryo at siyempre ang mga segment na aabangan nyo sa Startalk.

NAG-REACT SI Arnold Vegafria sa inilabas nating mga litrato nina Carla Abellana at ng dating boyfriend nitong si JC Intal.

Pati mga taga-GMA ay nag-react din dahil matagal na raw ang mga litratong iyun na nasa Facebook ng basketbolistang si JC.

Nang mag-break na raw sina Carla at JC, nawala na iyung mga litratong iyun.

Nagulat na lang sila nang biglang lumabas na naman ito sa isang internet forum at meron ngang naka-post doon na statement daw galing kay Carla.

Mariin itong itinatanggi ng kampo ni Carla dahil hindi raw siya gumawa ng statement na iyun na sinasabing sila pa rin ni JC.

Totoong break na raw sila at hindi naman daw madali sa kanya na harapin ang desisyon nilang iyun.

Pagkatapos meron pang mga ganitong isyu na kailangan niyang patunayan na break na nga sila.

Ang sabi na lang ni Carla, wala na raw siyang magagawa kung ayaw pang paniwalaang break na nga sila. Personal na isyu na raw niya iyun at sana hayaan na lang daw siya.

Iyung mga litratong lumabas sa internet na ginamit natin dito ay matagal na raw iyun lumabas at hindi lang nila alam kung sino na naman ang naglabas nito uli.

Sa ngayon ay single na single raw si Carla at so far, si Geoff Eigenmann nga ang lalaking pinakamalapit sa kanya. Pero hindi pa naman daw sila umabot sa ligawan.

Ini-enjoy na lang daw nila ang bonding nila sa taping ng Rosalinda.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

10 thoughts on “Paolo Contis at Lian Paz, excited na sa baby! – Lolit Solis

  1. ako, i have the same case as lian’s (polycystic ovary), my obgyne said na pregnancy can help cure pero since wala dito bowa ko e nagtatake na lang ako ng meds(pills or metformin). point is may way para maprevent ung pag dami ng cyst sa ovary kaya wag sanang gamiting reason nila paolo ung Polycystic ovary syndrome (PCOS). ampangit kc pakinggan na they had the baby bec they have to “save” lian’s health.

  2. hayyy naku, announcement everyone, ang LAHAT ng may CYST, magpabuntis na kayo ni paolo contis. hehe… i just wish they would say na we planned for this baby… being created to cure a cyst is not a good way to tell a child.

    PAKIUSAP lang kay Mr. Paolo Contis. dont say negative things about isabel oli in your interviews. Puro positive si Isabel when they the media asked her about paolo c. Its bad enough to be dumped for a dancer, she’s now hounded by media for reactions about paolo & lian.. konting respeto naman

    SANA SI LIAN NA ANG HULING BABAE SA BUHAY ni Paolo. HUWAG na siyang MAMBIKTIMA NG IBA HAYUP KA paolo…. Pakasalan mo na c Lian bilis, and live happily ever after…

    • ur right!!!
      isabel is 1 of those na tlgang dapat hangaan
      beauty and brain pa…yan ang mga ba2eng pwedeng pwedeng ihrap sa altar at maipagma2laki…i think isabel is virgin pa til now….tama ba ako?

  3. meron cyst si Lian sa ovary, eventually kailangan tanggalin ito at baka mawalan na sya ng chance na magka anak, kaya nag decide sila na magbaby na ngayon..iyan po ang isisiwalat ng magjowa na yan. abangan nyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.