Paolo Contis, asiwa ‘pag natatanong tungkol kay Lian Paz?!

BLIND ITEM: Lest that we be charged with libel, ang source ng aming item na ito ay isang corporate lawyer na mahilig din sa mga kakuwanan sa showbiz.

Isang kamag-anak niya mula sa Marikina City ang nagpapatunay na lulong umano ang isang sikat na gay TV host-comedian sa droga. Madaling-araw raw, sa pagitan ng alas tres at alas kuwatro, kung dumayo sa nasabing lugar ang aming subject. Naroon daw kasi ang source o pinagkukunan ng host-komedyante ng Shabu.

In-imagine tuloy namin ang taliwas namang hitsura ng hitad on the basis of our information. Karaniwan naman kasing hooked on drugs ay nanunuyot ang balat, humpak ang mukha, may twitching movements at kung anu-ano pang telling signs.

The irony, however, is that kadalasang hyper ang mga gumagamit ng drugs, bagay na sobra-sobra pa sa kanyang  ikinikilos.

Dagdag impormasyon ng mga aming source, may isang grupo rin ng mga adik ang nakabanggaan ng TV host-comedian for some reason. Huwag sana na ang mga ito ang mag-set up sa kanya sa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) for a possible entrapment.

Ang bisyong ‘yon ay walang maidudulot na maganda sa kanyang career.

 

MAAARING IDINADAAN lang niya sa tawa o biro, pero halatang asiwa si Paolo Contis kapag itinatanong sa kanya ang kanyang estranged wife na si Lian Paz.

Visible kamakailan ang aktor, doing promo rounds of his newest TV assignment. Nagkataon na noong mag-guest ang apat sa mga cast member ng palabas na ‘yon sa Startalk ay ang inyong lingkod ang naatasang writer para sa segment.

One question for each of the four guests ang aming inihanda, written on idiot boards para basahin ng mga assigned hosts.

Sa mga ganoong live interviews, karaniwan na kaming nakapuwesto ilang metro malayo sa host nang hindi nakikita ng mga panauhin kung ano ang mga itatanong sa kanila. But Paolo being a natural kiti-kiti, nang hapong ‘yon, ay palinga-linga hanggang sa mahagip ng kanyang tingin ang supposed question for him.

Sinadya naming ipatanong ‘yon kay Joey de Leon with whom Paolo is comfortable, pero sumenyas na agad ang aktor sa amin. Umiiling siya. In a huff, we had to formulate a different question. At sa pagkakataong ‘yon, inaprubahan ni Paolo ang tanong na lang tungkol sa kanyang dalawang anak.

Quick on the uptake, Tito Joey thought of another way to inject the “Lian” thing in the course of the interview. Banat ni JDL, “Eh, kumusta naman ang ‘X’ (by the sound of it, tunog “ex” nga naman ‘yon which could be taken to mean Paolo’s ex-wife) mo?”

Napatawa si Paolo. Bawi naman ni Tito Joey with a poker face, “X mo, as si X-o-n-i-a (referring to Paolo and Lian’s firstborn), pambihira ka naman, o, hindi pa ‘ko tapos, eh.”

After the interview, just as Paolo was about to leave the Startalk studio ay magalang namin siyang nilapitan, apologizing for the original question he did not want asked. ‘Yon ay kahit pa kinuha muna namin ang say-so ng mga taong malapit sa aktor.

“Hindi, okey lang, “Paolo smilingly said.

Naiintindihan namin si Paolo. Weeks ago, isa sa kanyang dalawang anak ay nagdaos ng kaarawan. Ipinagsisintir ng aktor kung bakit hindi man lang daw siya sinabihan o inimbitahan ni Lian sa mismong party ng anak.

Higit dito, it would seem ungentlemanly and unchivalrous of Paolo to talk about Lian, o kung meron na nga ba itong ipinalit sa kanya, much less legal matters na posibleng magdulot pa ng kumplikasyon sa kanilang failed marriage.

 Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Paolo Contis, asiwa ‘pag natatanong tungkol kay Lian Paz?!

  1. NAKOH, MAS MADALI PANG HULAAN ANG SOURCE NG B.I. MO KAYSA SA MISMONG SUBJECT NG B.I. PERO TEKA, YUNG LAST SENTENCE MONG “Ang bisyong ‘yon ay walang maidudulot na maganda sa kanyang career” EH PARANG ANDUN NA – “BISYO” AT “MAGANDA” – YUN NA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.