Paolo Ballesteros, saludo sa pag-amin ni Mark Bautista sa kanyang tunay na gender

Paolo Ballesteros

AWARE si Paolo Ballesteros, bida ng pelikulang Amnesia Love ng Viva Films tungkol sa libro ni Mark Bautista titled Beyond The Mark na isang tell-all book.

Ayon kay Paolo, hinahangaan niya ang lakas ng loob ni Mark na ilantad sa ginawa niyang libro kung sino siya talaga.

“Siyempre nagulat ako. Kasi kumbaga, inilabas niya talaga yung totoong siya. Eh, mahirap gawin yon, eh,” pagsaludo pa niya kay Mark.

May balak ring gumawa ng libro si Paolo pero hindi raw ito isang tell-all book at tungkol lang sa make-up transformation.

“Yung plano ko na libro is about sa make-up transformation. Tapos yung tell-all, parang hindi ko na naman kailangan, alam na naman ninyo yon,” sey ni Paolo.

“Yung tell-all hindi na. Kasi araw-araw na naman akong nakikita sa Bulaga, eh. Yung nakikita sa Bulaga, yon na yon, eh. Wala nang iba pang…

“Wala na rin naman akong itinatago. Alam na nila. Saka ba’t ilalagay ko pa sa book, eh, may Instagram naman,” katwiran ng leading man ni Yam Concepcion sa Amnesia Love na showing on Feb. 28.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life ngayon?

Sagot niya, “Wala. Nganga Pero depende pag may dumating.”

Ang Amnesia Love ay idinirek ni Albert Langitan.

 
 
 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.