PAOLO BALLESTEROS, PINAPANTASYA SI PIOLO PASCUAL

SUPER GANDA ANG production number ng mga bading sa grand presscon ng I Heart You Pare nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes. Agaw-eksena si Paolo Ballesteros na naka-drag costume, mapagkakamalan mo siyang tunay na babae! Panay ang pose sa mga photographers na akala mo’y beauty queen sa kanyang seductive pictorial. Pati kilos at galaw, matatanso ka kung hindi mo kilala ang nasa likod ng kasuotan ‘yun.

Pakiramdam nga namin, feel na feel ni Paolo ang role niya as ‘Vodka’ sa nasabing romantic-comedy series. Wala siyang pakialam kung pagdudahan ang kanyang pagkalalake. Hindi ba’t matagal nang nababalitang nagkukubli raw sa dilim ang TV host/actor?

“Very challenging ang role, kaya agad kong tinanggap ang offer. Ang problema lang, hirap ako sa pagsusuot ng costume, pero it’s fun and I do really enjoy working with the whole cast. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, wala naman akong dapat aminin,” sey niya.

Tuloy, bigla namin binanggit kay Paolo si Bebe Gandanghari, willing ba siyang makipagsabayan dito?

“Okey lang. Ready ba siya?” naghahamon na sabi nito.

Tinanong namin ang aktor kung sino ang gusto niyang maka-love scene if ever mabigyan siya ng solo gay film?

Walang kagatol-gatol na binanggit ni Paolo ang pangalan ni Piolo Pascual.

Maging si Regine ay very much insecure sa angking ganda ni Paolo. Daig pa raw nito ang babae kung kumilos at magsalita.

“Nakakainis ang ganda niya, ‘di ba? Kung puwede nga lang patayin agad ang character niya!” natatawang sabi ng Asia’s Songbird.

WALANG MAPAGSIDLAN NG tuwa sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga dahil ilang tulog na lang, mag-uumpisa na ang Happy, Yipee, Yehey!, ang pinakabagong Kapamilya noontime show na tiyak magbibigay ng  walang katapusang kasiyahan tuwing tanghali. Ang engrandeng launching ay gaganapin sa February 12, Sabado sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Tiniyak nina John, Randy, Mariel at Toni na purong saya’t walang halong away ang kanilang ibibigay sa mga Pilipino araw-araw. Nanumbalik na uli ang magandang samahan nina Toni at Mariel.

Matatandaang sina John at Randy ay hosts ng Magandang Tanghali Bayan, habang si Mariel ay host ng dati ding noontime offering ng ABS-CBN. Pitong taon na ang nakakaraan ng maging co-host naman si Toni ng isang pang-tanghaling programa sa kabilang istasyon.

Mga bagong palaro, limpak-limpak na papremyo ang naghihintay para sa mga contestants na masuwerteng manalo sa nasabing noontime show. Idagdag pa sa barkada ang patok na choreographer na si Joy Cancio na magpapasikat ng mga bagong galaw at sayaw.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “PAOLO BALLESTEROS, PINAPANTASYA SI PIOLO PASCUAL

  1. ang cheappangga naman ng show na yan! Mga walang k maghost,mga pangit ng personality,panigurado semplang yan! Ang bobo naman ng creative team ng abs! Mga laos parang si pokpok!

  2. gud luck sa show nila,kukuha lang kau ng pangtapat sa eat bulaga cla pa,sus ko abs,wala na bang iba…kahit c sharon cuneta pa itapat nio d yan uubra sa ratings pupusta ako,sa pangalan n lng ng show cgurado ko titigbakin din yan hahaha congrats

  3. sa pangalan na lang show,HAPPY YIPEY hahahaha cgurado lalamapasuhin na naan yan ng DABARKADS cguro 3-6 months lang itatagal nian or 1 month..good luck sa yipee yahoo hahahaha

  4. bobo nga ng abscbn…bagong show dapat puro gud image ang mga nilagay jan o yung di ganun ka sira gaya ni mariel na tlagang sinusuka na ng tao since kumabit kay robin,,naiirita mga tao,,,dito,,,mas ok if si VALERIE CONCEPCION,,KELY MISA o si RICA PERALEJO nilgay jan,,diba,,

    si KRISTIN HERMOSA ba ilalagay sa E LIVE kapalit nitong si mariel,,bilang pagbabalik,,

    • oo nga,tamaaaa,,bakit si mariel pa,,nakasira tuloy sa new show,,sayang!!baka mag flop,,ito,

      hay nako,,true ba yan na si KRISTIN HERMOSA ilalagay dun,,ang alam ko pipirma na si TIN sa tv5 soon…

      • Ako rin agree, bakit ba si Mariel pa ang inilagay. Ang daming ibang talent dyan na hindi binigyan na assignment. Sira na pangalan ni Mariel, parang dami yatang galit kay Mariel, more on dislike than sa mga nag like sa kanya. Kasi si Mariel may kapit sa isang malaking tao sa ABS at talent pa ni boy abunda kaya yon palaging may project. I saw her in E-Live, she is really pretty pero ewan ko ba naplastikan talaga ako sa kanya, parang feeling high na sya as isang importanteng importante.

  5. ALAM NYO MUKHANG DI NAMAN SYA GAY E,,NI BISEX DI RIN,,WALA AKONG NAAAMOY DITO,,HES SO PRETTY NA GAY,,IF SO,,LILIGAWAN SYA NG MGA IBANG LAHI,,,DIBA,,,AT MADAMING MGA PARLORISTA AT REPORTERS NA PANGIT NA WALA PANG VALUES NA GAYS JAN ANG MAIINSECURE JAN KAY PAOLO,,,WELL,,HES A GREAT FATHER TOO,,MAY ANAK NA SYA DIBA???

    WELL..WELL..MADMAING MGA TAONG AGAINST SA PAGPASOK NI MARIEL SA SHOW NA IYAN,,KASE NAMAN,,PURO KASIRAAN ANG IMAGE NI MARIELLKAYA HAYAN TULOY,,AYAW NA NG TAO SA KANYA,,HAYY

  6. Isa pa itong baklita na ito…MAGLADLAD KANA DAY!para sundan ka ni piola,samuela,arimunding g.,luisa,erika,bu-GAY drilon at iba pa..

  7. PAULO BALLESTEROS, PINAPANTASYA SI PIOLO PASCUAL

    =================

    nagkaka-ubusan na ng mga tunay na lalake, kaya kapwa beki to beki na ngayon ang nauuso hahaha!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.