Paolo Ballesteros, nagladlad na ng kapa!

OUT NA nga si Paolo Ballesteros sa kanyang sexual preference. Tungkol nga rito ang unang naging paksa ng interview namin sa thanksgiving party ng JLD Star Force Artists, ang talent management firm ng manager niyang si Jojie Dingcong, na ginanap sa Congo Grill kamakailan.

Posible kayang umabot din sa puntong nagpapakababae na siya sa bihis at hitsura gaya ni BB Gandanghari?

“Sino bang nag-out?” birong tanong din ni Paolo.

“Hindi pa ba ako nagdadamit babae?” sabay tawang pabirong tanong niya ulit.

“Sa mga palabas, sa mga roles, nagdadamit-babae ako,” gaya ng sa fantasy series ng TV 5 na Kidlat kung saan bida si Derek Ramsay, nagdadamit babae siya.

Natawa si Paolo nang matanong kung kumusta na ang kanyang lovelife niya ngayon. Ibinuka niya ang kanyang bibig sabay tutok ng pinagdikit-dikit na daliri ng kanyang kanang kamay na ang ibig sabihin ay… nganga.

“Wala akong lovelife,” sabay ngiti niya. “Sexlife? Secret!” natawa pa niyang pahabol.

Loveless siya ngayon. Eh, sa darating pang panahon, maghahanap ba siya ng lalaking karelasyon magiging partner niya sa buhay gaya ng ibang gays?

“Ewan ko. Gusto n’yo ba? Ha-ha-ha! Hindi. Wala. Kung may dumating, sige… go!”

Pero hindi siya naghahanap sa ngayon? Hindi siya nanliligaw? “Hindi.”

O baka gusto niyang siya ang ligawan? “Oo naman!” tawa ulit niya.

Ano ang qualification niya para sa posibleng maging lover niya?

“Dapat foreigner! Hindi. Joke lang! Gusto ko siyempre, mabait. Mayaman!” sabay tawang sabi pa ni Paolo.

 

KAHIT MATAGAL na silang break ni Maja Salvador, hindi pa rin in makaiwas si Matteo Guidicelli sa mga tanong tungkol sa kanyang ex-girlfriend. At sa mga gano’ng pagkakataon, matipid siya sa pagsagot o pagbibigay ng kanyang pahayag.

“Nothing. I cannot say anything about them,” aniya. “As long as they’re happy. And I’m happy. We are all happy. Especially Maja. Dahil ako ang pinaka-close niya dati. At masaya lang ako na masaya sila. Friends kami. Everything is good. Basta as long as masaya siya, okey ako.”

Hindi pa rin humuhupa ang iringan sa pagitan nina Maja at ni Kim Chiu na ex-girlfriend ni Gerald. How does he feel about it?

“Uhm… wala akong masabi, eh. Sana maging okey lang sila. ‘Yon lang.”

Hindi man daw sila nagkakausap ngayon, friends pa rin daw sila ni Maja. Kahit naman daw si Gerald, walang nabago sa samahan nila bilang magkaibigan din.

“Yes. At kapag nagkikita kami ni Gerald, okey naman. Walang problema. Even kay Maja, okey kami. Walang problema talaga.”

Nali-link siya ngayon kay Jessy Mendiola, ang leading lady niya sa afternoon series ng ABS-CBN na Paraiso. At habang tumatagal ay balitang mas lalo pa silang nagiging malapit sa isa’t isa.

Nagkakagustuhan na nga ba sila?

“We’re really very close now. And, a… tingnan kung saan papunta. Jessie is very beautiful. Very supportive. Talagang… a lot of qualities na gusto ko sa isang babae, nasa kanya.

“Uhm… hindi ko pa naman siya nililigawan. We’re just close. I’m just there for her all the time na kailangan niya ako bilang kaibigan. Nag-i-stick ako sa… bilang kaibigan.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

7 thoughts on “Paolo Ballesteros, nagladlad na ng kapa!

    • HOY IKAW N BAYOT ANG MANAHIMIK! Wapakels ks buhay nya kya wag kng umatungal d2 bashing him being a gay in real or in reel work nya yn…ni hindi k nga nya naramdaman n ng-e exist k d2 s earth…im not a fan of him pero maepal kng animal ka!

  1. Susko, back in 2005, rumour has it – ALLEGEDLY – he’s a size queen. Nalaman ko sa ka-booking ko na naka-booking nyan. Takes one to know one. Ngyahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.