Paolo Ballesteros, may mga dahilan pa rin ng kalungkutan

Paolo Ballesteros

Paolo Ballesteros

Medyo malungkot din si Paolo Ballesteros dahil hindi niya makasasama sa Pasko ang kanyang unica hija.

“Ngayon, she’s with her mom sa US. Kasi nagtatrabaho ang mommy niya. Siyempre gusto niya, maalagaan ang anak niya. Busy sa trabaho. Kasi sayang din ang pag-uwi niya, kasi babalik din siya sa January,” say ni Paolo sa presscon ng movie niyang “Die Beautiful” na isa sa official entries sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Mixed emotions ang reaction ni Paolo sa pagpasok sa MMFF ng “Die Beautiful”.

“Of course I’m very happy na pasok kami sa MMFF. Parehas lang naman ang effort na ibinigay ko sa movie ni Bossing. Parehas lang naman ang effort na ibinigay ni Bossing and everyone. Siyempre parang nakalulungkot lang din,” say ni Paolo.

On his make-up transformations, say ni Paolo, “First and foremost, hindi ko naman ginagawa ‘yan para ma-feature sa ibang bansa. Ginawa ko ‘yan parang hobby lang, trinay ko lang para sa fans ko, para sa followers ko.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.