Paolo Ballesteros, excited sa reaksyon ng publiko sa ‘My 2 Mommies’!

Solenn Heussaff and Paolo Ballesteros

EXCITED sina Paolo Ballesteros at Solenn Heusaff sa magiging outcome ng pelikula nilang dalawa na “My 2 Mommies” na mamayang gabi ay magkakaroon ng premiere night sa SM Megamall.

“Tawag kasi ni Direk Eric (Quizon) , a Romcom with a Twist yong movie namin ni Solenn. Hindi ko pa rin napapanood ang buong film. Pero buo na sa isip ko ang pelikula dahil di ba nagdas-dubbing kami pero the whole film na may scoring na at kung anu-ano pa at malinis na ay ngayong premiere night ko pa lang mapapanood,” kuwento ng aktor.

Sa pelikula, sina Paolo at Solenn ay dating magkarelasyon na hindi inakala ng aktor na nagkaroon sila ng anak ng kanyang ex-girlfriend.

“Parang true to life, ” reaksyon ng aktor nang maihambing ang totoong buhay niya noong grand presscon ng movie niya. Text message ni Direk Eric sa amin, situational ang mga nakakatawang eksena sa pelikula.

“Hindi ito pinilit para lang magkaroon ng comic relief. Iba ito,” panigurado ni Direk Eric.

Sa pelikula ay may special participation ang nagbabalik na si Maricel Soriano who plays tiyahin ni Paolo. Si Joem Bascon naman plays the lover-partner of Paolo. The “Romcom with a Twist” film is produced by Regal Entertainment at showing na sa darating na Wednesday, May 9.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “Paolo Ballesteros, excited sa reaksyon ng publiko sa ‘My 2 Mommies’!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.