Paolo Ballesteros, ‘di makapaniwalang sikat na internationally

Paolo-BallesterosHINDI RAW makapinawala ng lead actor sa upcoming movie na Die Beautiful na si Paolo Ballesteros na sisikat siya abroad via his make-up transformations.
Tsika nga nito nang makausap namin sa Headway Vera Salon na pag-aari ni Sir Mikhail Hirang, “Nagugulat nga ako kasi ginawa ko naman ‘yun para i-post ko sa Instagram, hindi ‘yung para ma-recognize. Ginagawa ko lang naman ‘yun para sa mga followers ko sa Instagram. Eh, biglang nag-hit, kasi ako nga nagulat, sabi ko nga, ‘ang taray!’ Hahaha! Nakao-overwhelm din, kasi nga naa-appreciate nila ‘yung ginagawa ko.”
Invitation abroad? “Marami ang nag-i-invite sa akin ngayon abroad tungkol sa make-up, make-up. Eh, parang hindi pa ako ready. Merong nag-invite sa akin para sa convention ng mga make-up artist sa Hollywood. In-invite nila ‘yung mga nasa YouTube at sa Instagram, at isa raw ako.

“Medyo late na ‘yung invitation, pero parang naisip ko, hindi pa ako ready. Baka pagdating ko du’n, puro make-up artist, eh hindi naman ako make-up artist. Hindi naman talaga ako professional na make-up artist. So, anong gagawin ko du’n, ‘di ba?” pagtatapos ni Paolo.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleGerman Moreno, balik na sa kanyang radio program
Next articlePamilya at manager ni Empress Shuck, ‘di boto sa lalaking nakabutis sa kanya?

No posts to display